|
||||||||
|
||
Sapul nang madampot ko ang kamera para makunan ang aking nakikita, natutuklasan kong lagi itong may alok na bago nang bagong anggulo ng pagtanaw sa mundo.
Sa pakiwari ko, bawat bagay dito sa mundo ay binubuo ng di mabibilang na aspekto at kung paano niyo titingnan ito ay depende na lang sa napipili ninyong anggulo, di ba?
Ano po bang damdamin ang napupukaw sa inyo habang pinagmamasdan ang kuhang larawang ito? Napahanga ako ng halos perpektong rhomboid na binubuo ng mga sanga ng halaman.
Sa unang araw ng aking excursion kamakailan sa kanugnog ng Beijing, lunod sa ambon ang kalikasan.
Patak ng ulan, katawan, usbong at mga puyo ng tubig. Parang paulit-ulit kong nalalanghap ang samyo ng sariwang hanging dulot ng pag-ulan sa tuwing pagmamasdan ang larawang ito.
Sa ikalawang araw naman, muli na namang nagningning ang sikat ng araw. Namasyal ako sa bundok hawak ang aking pinakamamahal na kamera.
Mga daan sa bundok na parang walang hangganan.
Ang tag-init ay panahon ng paglago ng buhay. Alam ba niyo kung anu-ano ang magiging bunga ng mga halaman sa mga larawan pagsapit ng taglagas?
Sa totoo lang, nitong ilang araw na nakalipas, inililigaw naman ako ng nakikita kong tanawin sa rearview mirror ng kotse at ang tanong: Paano ko kukunan ang tanawing ito habang nagmamaneho ng kotse? Hmm, magandang tanong!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |