|
||||||||
|
||
Ang Tsina ay lupang-tinubuan ng Tsaa. Ang tsaa ay malawakang ginagamit sa pag-araw-araw na pamumuhay ng mga Tsino. Unang una, ito ang mainam na inumin dahil sa nitong natural na pungksyon ng pagpapasigla ng espirito, pagpapabuti sa pagkatunaw at iba pa at sa gayo'y itinuturing itong pambansang inumin ng Tsina. Ang isa pang mahalagang pungksyon ng tsaa ay may alok ito ng kapanatagan sa isipan. Sa proseso ng pag-inom ng tsaa, mataas ang kahilingan sa tubig, tsaa, mga kagamitan at kapaligiran. Samantala, nagpapalitan ang mga tao ng kanilang palagay at damdamin at ito ay isang magandang paraan ng pagpapahigpit ng kanilang pagkakaibigan at mabuting relasyon. Unti-unting nagiging di-makihihiwalay na bahagi ng kulturang Tsino ang tea ceremony.
Sa susunod na 5 video clips, ipinakikita ko sa inyo ang buong seremonya ng pag-inom ng Da Hong Pao tea na gaya ng pag-amoy, pagbababad, at paghigop. Ang nasabing video clips ay kinunan sa isang Tea House sa Beijing habang nandito sa kabiserang Tsino ang 15 Atenista nitong nagdaang Mayo.
Ang tea ceremony ay kinabibilangan ng pagpili ng tsaa, pagpili ng tubig, paggawa ng tsaa, pagpili ng tea ware, paglikha ng kapaligiran at iba pa.
Para maihanda ang isang mainam na tasa ng tsaa, kabilang sa mahahalagang elemento ang tubig at temperatura nito, proporsiyon ng tsaa at tubig, at tea ware. Ang soft water ay mas mabuti sa paggawa ng tsaa kaysa sa hard water. Sand-fired pot ang pinakamabuting tea ware.
Para sa halos lahat ng mga uri ng tsaa, okay lang ang mga 100 degree Celsius na tubig, ngunit, para sa green tea, huwag lumampas sa 90 degree Celsius ang gamit na tubig. Para naman sa Longjing tea, 80 hanggang 85 degree Celsius ay mabuti. Ang proper proportion ng timbang ng tsaa at tubig ay 1:80. Mas mabuti na inumin ang tsaa pagkaraang mababad nang 3 hanggang 10 minuto.
Sa pag-inom ng tsaa, madalas na may background music para patingkarin ang elegansiya ng ritwal at kung iba iba ang uri ng tsaa, ibaiba rin ang musika. 10 pinakabantog na Chinese Tea: 1. Xihu Longjing Tea 2. Hole court Biluochun Tea 3. Junshan Silver Needle Tea 4. Lushan Yunwu Tea 5. Keemen Black Tea 6. Mount Huangshan Mao Feng 7. Anxi Tie Guanyin Tea 8. Yunnan Pu-erh Tea 9. Dongding Oolong Tea 10. Suzhou Jasmine Tea
Mas maraming impormasyon hinggil sa tsaa sa susunod na link: https://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter18/chapter180301.htm
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |