Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mapo Tofu

(GMT+08:00) 2009-06-17 20:19:26       CRI
Mga giliw na cooking fans, ito po si Chef Pogi at welcome sa aking cooking show. Sa nagdaang artikulo, sabi ng isang kaibigan na marami ngayon ang tofu o bean curd sa Pilipinas. Kaya ngayong araw, ihahandog ko ang isang masarap na putahe na ang tofu ay pangunahing sangkap. Ang putaheng ito ay Mapo Tofu.

Ang Mapo Tofu ay isa namang kilalang putahe mula sa Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina. Ang katangian nito ay maanghang, mabango at pati maganda. Bukod sa tofu, ang isa pang pangunahing sangkap nito ay karne ng baboy o baka o tupa at ang paggamit ng karne ng baka ay maging mas batay sa tradisyon ng pagluluto ng putaheng ito.

Pagdating sa tawag ng putahe, ang Mapo ay tumutukoy ng isang babae na siya ay unang nagluto ng putaheng ito noong mahigit 100 taon ang nakaraan. May mga bulutong ang babaeng ito sa kanyang mukha, kaya tinatawag siyang "Mapo", "ma" ay salitang Tsino para sa bulutong at "po" naman ay isang tawag sa matandang babae. Bilang alaala sa babaeng ito na tagalikha ng putaheng ito, tinatawag itong "Mapo Tofu".

Okay, narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto ng Mapo Tofu.

Mga sangkap

650 gramo ng tofu
150 gramo ng karne ng baka
150 gramo ng peanut oil
50 gramo ng soybean paste
10 gramo ng chili powder
40 gramo ng soybean sauce
25 gramo ng shaoxing wine
25 gramo ng Chinese salted black beans (tinatawag ding fermented black beans o Chinese black beans)
30 gramo ng mixture ng cornstarch at tubig
200 gramo ng chicken stock
1.5 gramo ng Chinese prickly ash powder
2.5 gramo ng asin
25 gramo ng tinadtad na scallion, luya at bawang
10 gramo ng sesame oil

Chinese salted black beans

Paraan ng pagluluto

Hiwa-hiwain ang tofu nang pa-cube sa sukat na 1.5 cms. Bago magtunaw ng asin sa pinakulong tubig. Ibabad ang cubes sa tubig na maalat tapos tadtarin ang karne ng baka at salted black beans.

Mag-init ng peanut oil sa kawali, ihulog ang karne ng baka at iprito't haluin hanggang ang labis na moisture ay mag-evaporate. Ilagay ang soybean paste at tinadtad na salted black beans bago iprito't haluin hanggang lumutong. Lagyan ng chili powder tapos iprito't haluin hanggang maging light brown, tapos ihulog ang tinadtad na scallion, luya at bawang. Lagyan ng Shaoxing wine bago isunod ang chicken stock at sinalang tofu cubes. Pakuluin at lagyan ng mixture ng Chinese prickly ash powder ayon sa panlasa. Isilbi.

Heto ang Mapo Tofu, sana'y mahilig kayo sa putaheng ito.

Btw, Mato, natanggap ko na ang address mo at ipapadala ko sa iyo ang chopsticks sa loob ng darating na ilang araw. At salamat din sa lahat ng mga kaibigan na nag-iwan ng comments sa akin!

Balik sa aking blog>>

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>