|
||||||||
|
||
Sumakabilang-buhay noong alas-4 ngayong madaling araw, oras sa Pilipinas, sa Los Angeles si Michael Jackson, bantog na pop singer, sa kanyang edad na 50.
Inatake umano sa puso si Jackson sa kanyang bahay at pagkatapos, dinala siya sa UCLA Medical Center. Ngunit pagkaraan ng di-matagal na pagbibigay-lunas, ipinatalastas ng tauhang medikal ang pagpanaw ni Jackson. Hindi isiniwalat ng panig ng ospital o mga kamag-anakan ni Jackson ang detalyang may kinalaman sa kanyang pagkamatay. Napag-alamang ipapalabas bukas ng ospital ang medical report hinggil dito.
Pagkaraang isapubliko ang ulat hinggil sa pagpanaw ni Jackson, nagpahayag ng pakikiramay ang mga bantog na mang-aawit at Hollywood stars. Idinaos din ng mga fans sa iba't ibang lugar ng daigdig ang seremonya ng pagluluksa.
Sa alaala ko, sa panahon ng aking high school, pinakinggan ko at ng aking mga kaklase ang mga awit ni Jackson at sinundan ang kanyang pagsayaw. Sariwa pa ang memoryang ito. Talagang sikat na sikat si Jackson at karapat-dapat siya sa taguring "King of Pop".
Mga giliw na kaibigan, gusto ba ninyo ang mga awit ni Jackson? Kung may mensahe ng pagluluksa, mag-iwan sa comment area sa ilalim. Pagpaalaman natin si sikat na Michael "King of Pop" Jackson!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |