Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hinggil sa tsaa

(GMT+08:00) 2009-07-02 17:38:49       CRI

Kate A.: sbi ang pnaka healthy raw na tea ay ung galing sa bulaklak. Totoo ba yun?

Andrea: Ang lahat ng tsaa ay dahon ng tea plant, hindi bulaklak. Ngunit, jasmine tea ay hinaluan ng jasmine. Ang paglikha ng karamihan ng tsaa ay nakaranas ng susunod na proseso:

1. tea picking

2. pagbibilad sa ilalim ng araw 

3. tea roasting

4. tea drying

Ang tea garden:

techie: dati black tea iniinom ko. ito nlalagyan ng gatas. masarap rin. ngayon itina-try ko jasmine tea. Recommended ng isang kaibigang herbalist.

pablo cruz: masarap pala ang tsaa sa puto bumbong. natikman ko maraming ulit last December during Simbang Gabi.

R. Tavera: coffee drinker ako pero umiinom din ako ng tea paminsan-minsan at nilalagyan ko ito ng kalamansi. Okay ba yun?

Andrea: dahil sa tsaa, mayaman ang bagay na laban sa radiation at puno ng Vitamin A, nakakabuti sa ating mga mata at dugo ang palagiang pag-inom ng tsaa at sa gayo'y malawakang tinatanggap ang tsaa ng white collars sa tanggapan.

Binubuo rin ang tsaa ng catechin, isang compound na nakakabuti sa puso. Ayon sa pananaliksik, ang casein sa gatas ay sisirain ang naturang catechin ng tsaa, kaya, kung lalagyan ang tsaa ng gatas, pabababain ang punksyon ng tsaa.

Ang pinakamalusog na tsaa ay tsaang walang kasamang ibang sangkap.

Divine Garcia: ate, jasmine at lipton tea pa lang nasubok ko atsaka yung nasa small bag na inilulubog sa mainit na tubig. hindi yung powder.

dirk: sa pagka-alam ko mraming klase ng tea. meron iyong pampaganda ng kutis, meron iyong pampabuti ng blood circulation, and so on...

Andrea: batay sa magkakaibang paraan ng pagpoproseso, may 6 na uri ang tsaa: green tea, black tea, oolong tea, white tea, yellow tea at brick tea. Magkakaiba ang kani-kanilang punksyong pangkalusugan.

green tea

Sa 10 pinakabantog na tsaa, pinakamarami ang green tea na gaya ng Xihu Longjing tea, Hole court Biluochun Tea, Lushan Yunwu Tea at Mount Huangshan Mao Feng. Mayaman ang green tea sa Vitamin C at tea Polyphenol, kaya, mayroon itong punksyon ng pagpatay ng bakterya, pagpigil ng high blood pressure, pagpapababa ng blood fats, paglaban sa radiation, paglaban ng canceration at iba pa.

black tea

Black tea ang fermented tea. Mas maraming theine sa black tea, kaya, nakakatulong ito sa pagpapasigla ng diwa, pagkatunaw at pagbawas ng pamamaga. Kung gusto ninyong lagyan ang tsaa ng gatas o prutas, lagyan ng mga ito ang black tea kasi mas mahinahon ang black tea.

oolong tea

Oolong tea ang may kapwang katangian ng green tea at black tea, hindi ito masyadong kapait ng green tea at masyadong kapakla ng black tea. Nakakasulong ito sa sirkulasyon ng dugo at fat oxidation.

white tea

Simple ang paggamat ng white tea, angkop na natural na oxidation lamang. Puwede itong mabawasan ang basa at pagpapababa ng temperature ng katawan.

yellow tea

Yellow tea ang natatanging tsaa ng Tsina at ito ang tribute tea noong Tang Dynasty. Pinakabantog ang "yellow tea ang Junshan Silver Needle Tea", isa sa 10 pinakabantog na Chinese Tea. May mabisang punksyon ang yellow tea sa pagpigil at paggamot ng esophageal cancer.

brick tea

Brick tea ang natatanging tsaa rin sa Tsina. Ang pinakabantog ay Pu-erh tea. Mabisa ito sa pagbawas ng greasiness at sa pagpapalakas ng pagkatunaw.

Tea Ceremony:

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>