Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maliit na New York sa Timog Silangan Asia

(GMT+08:00) 2009-07-13 18:56:45       CRI
Sinabi raw ang Lungsod ng Manila ay maliit na New York sa Timog Silangan Asia--Siguro ang palayaw ito ay mula sa mga manlalakbay sa Manila, pero sinasang-ayunan ko ito. Kahit hindi naman maunlad ang ekonomiya ngayon kung ihambing sa dekada 80 o 90, kahit may financial crisis ngayon, nakita pa ang kaniyang nakaraan pero hindi nawalang espiritu bilang isang maliit na New York sa Timog Silangan Asia. Ang mga shopping malls ang salamin ng espiritu niya.

Mall of Asia

Noon ay pinakamalaking shopping mall sa buong Asia, kataka-taka pa ang kalakhan nito para sa amin. Sa lahat na mga shopping malls, MOA ang paborito ko. Malapit ito sa Manila Bay, sa takipsilim, umupo ang maraming tao sa tabing dagat at nag-enjoy sa sinasabi na pinakamagandang paglubog ng araw sa buong mundo. Samantala, may malawak na laruan, puwede maglaro nang masaya ang mga bata, may iba't ibang kainan, puwede pumili anu-ano ang paborito mo, may telescope sa ikalawang palapag, puwede makita ang malaking bangka patungo sa malayong dagat. Dalawang palapag lang ang MOA, di naman baroque o postmodern ang estilo ng iyong gusali, perpektong angkop na lang ito sa dagat, inilarawan ang dalawang uri ng kalakhan: isa ay kalakhan nang concretionary, isa ay kalakhan nang ambulatory.

   

Trinoma Mall at Greenbelt

Madaling pumunta sa Trinoma mall, lumabas ka lang sa MRT North Ave Station at pumasok sa Trinoma. Ang Trinoma mall ang paborito ni Grace, isang eksperto sa moda, kasi hinalo ang pandaigdig na brand katulad ng Zara o Mango at mga Pilipino brand tulad ng Kamiseta sa iyong tatsulok na gusali, marami ang puwede mong piliin. Maganda ang mga dekorasyon sa loob ng Trinoma, lalo na mga ginto at dilaw na ilaw. Karaniwan sumasagisag ng palasyo o kaharian ang kulay ng ginto, pero sa katotohanan ang mga dekorasyon sa Trinoma ay hindi naman marangya o ipinatakot ang mga mamimili, parang umuwi ang mga mamimili kung pumapasyal sa Trinoma.

Bukod sa Trinoma mall, nasa Ayala Malls din ang Gloritta at Greenbelt sa Makati. Kung sinabi ang Manila ay maliit na New York, syempre ang Makati ay Manhattan. Mas maganda at maluwalhati ang Greenbelt kung ihambing sa Trinoma, tiyak na parang pumasyal sa New York o sa isang palasyo ng shopping roon. Mas maganda ang kapaligiran sa Greenbelt, lalo na ang mga maliit na hardin na ikinabit ang iba't ibang gusali, kaya pumapasyal ka mula sa isang gusali sa isa pa, pumapasok ka sa kalikasan mula sa kagubatan ng mga artifacts. May hardin din sa Trinoma, payat na kawayan, mahinang batis, Starbuck coffee, kinaakit ang maraming kasintahan ng hardin ito.

Mega Mall at Shangri-la

Nasa Oritigas ang Mega Mall at Shangri-la Plaza, malapit ang dalawang mall, kahit may kaibahan sila: malawak ang Mega Mall at mataas ang Shangri-la, typical na Pilipino estilo ang Mega Mall at mas global ang estilo ng Shangri-la Plaza sa tingin ko. Sa simula nagtaka ako bakit malapit ang dalawang mall, mayroon bang paligsahan sa kanila? Ang sagot, ay may paligsahan at pagtutulungan din, tulad ng the law of gravity, kung mas malaki ka, mas maakit sa ibang bagay.

Gateway Mall

Pinakamalapit ang Gateway Mall mula sa Ateneo. Ito ay unang shopping mall na pumunta kami sa Manila. Sinabi raw maliit lang ito bago pumunta roon, subalit noong unang beses pumasyal kami roon, malaki pa ito para sa amin. Sa ikalawang beses o ikatlong beses, lumiliit ang Gateway Mall kasi kilala ito para sa amin, sa palagay ko, ang Gateway Mall ay katulad ng isang eleganteng batang babae nasa kapitbahay.

Sa wakas

Sinabi ni Nick Joaquin na may pamana ng kaliitan sa Pilipinas--barangay, sari-sari store, atbp. Gayuman ang mga Shopping mall ay parang isang salungatin--inilarawan ang isang kultura o espiritu ng kalakhan. Sa tingin ko, ito ay isang balanse ng kagandahan: katulad ng kuwento ni Maganda at Malakas, di ba?

Cissy Zheng Yining

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>