|
||||||||
|
||
Hello, mga cooking fans, kumusta kayo? Ito po si Chef Pogi! Noong isang cooking show, inihatid ko ang isang simpleng cold dish para sa tag-init na ang Yanshui Maodou o Boiled Salty Young Soy Beans at ngayong araw naman, mula sa mainit na mainit na Beijing, patuloy kong ihahandog ang isang cold dish na mas mahirap ang pagluluto. Pero bago ang recipe, sasagutin ko ang ilang koment na naiwan ng mga kaibigan.
Para kay 092137814XX: talagang simple ang pagluluto ng Boiled Salty Young Soy Beans, pero hindi simple ang paghahanda para rito. Ilarawan sa isip na gamitin ang gunting para tanggalin ang mga dulo ng soy beans, maraming panahaon ang gugulin.
Para kay mareng gina: ang Boiled Salty Young Soy Beans ay hindi isang espesyalty sa Beijing at sa palagay ko, karaniwan ito sa buong Tsina.
Para kay ebeth: ang Boiled Salty Young Soy Beans ay puwede isang salad, pero hindi pakuluan lamang ang beans. Batay sa paraan ng pagluluto, ang mga pampalasa na gaya ng buto ng anis, fennel at siling labuyo ay lutuin kasama ng beans.
Para kay 091740131XX: tama iyan, talagang maalat ang Boiled Salty Young Soy Beans, kaya mabuti itong kinakain kasama ng pag-inom ng alak.
At salamat din sa mga iba pang kaibigan na nag-iwan ng koment.
Okey, narito ang "bida" ngayong araw: Haleyang Karne ng Tupa o sa wikang Tsino: Shuijing Yangrou. Madalas na kinakain sa restauran dito sa Tsina ang masarap na cold dish na ito sa tag-init.
Mga sangkap
1000 gramo ng karne ng tupa na walang buto
200 gramo ng puting labanos
20 gramo ng toyo
8 gramo ng asin
10 gramo ng asukal
20 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa
5 gramo ng luya, hiniwa-hiwa
50 gramo ng shaoxing wine
10 gramo ng bawang
10 gramo ng sweet bean paste
Paraan ng pagluluto
Hiwa-hiwain nang pakuwadrado ang karne ng tupa sa sukat na 2 sentimetro ang haba, lapad at kapal. Hiwa-hiwain ang labanos at dikdikin. Ilagay ang mga piraso ng hiniwang karne sa kaserola at buhusan ng tubig hanggang sa tuluyang lumubog ang mga ito. Pakuluin, tapos alisin ang karne at hugasan. Alisan ng bula ang likido sa kaserola. Lagyan ng asin at asukal, isunod ang toyo at shaoxing wine at pakuluin. Tapos, ihulog ang karne ng tupa, labanos, scallion at luya at takpan ang kaserola. Pagkaraang kumulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 3 oras.
Alisin ang labanos, scallion at luya pati na ang sebo sa ibabaw ng likido. Dagdagan ang apoy para sumingaw ang ibang tubig. Ilagay ang karne sa isang kaserola na lapad ang ilalim at 3.5 sentimetro ang lalim. Buhusan ng likido. Pagkaraang lumamig ang likido at maging ang jelly, hiwa-hiwain ang karne at jelly sa mga pirasong 8 sentimetro ang haba, 2 sentimetro ang lapad at 0.7 sentimetro ang kapal o anumang hugis na gusto ninyo. Isalin sa plato.
Ilagay sa isang maliit na plato ang bawang at siling labuyo na tinadtad at ilagay sa isa pa ang sweet bean paste. Isilbi ang mga ito kasama ng jelly mutton para mapagyaman ang lasa.
Narito ang Haleyang Karne ng Tupa o Shuijing Yangrou. Medyo mahirap na lutuin, pero talagang masarap! Mga cooking fans, see you!
Balik sa aking blog>>
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |