|
||||||||
|
||
Kaninang umaga, mula mga alas-8 hanggang alas-10, naganap ang solar eclipse. Sa kahabaan ng Ilog Yangtze ng Tsina at ilang lugar sa Indya at Pacific Ocean (pook sa pagitan ng dalawang pulang linya sa "larawan 1"), nakita ang total solar eclipse at sa iba pang lugar naman na gaya ng Beijing at mga lugar ng Pilipinas, nakita ang partial solar eclipse. Ayon sa astronomo, ang eclipse na ito ay pinakamatagal na total solar eclipse sa loob ng Tsina mula noong taong 1814 hanggang 2309.
Larawan 1
Sayang, sa Beijing, dahil sa makapal na ulap, hindi kong nakita ang solar eclipse. Pero, nagkober sa eclipse ang mga pangunahing tv station at website ng Tsina at sa gayo'y nakita ko ito sa telebisyon. Mayroon pa ritong mga magandang kuhang-larawan ng kasalukuyang solar eclipse at isha-share ko sa inyo ang mga ito.
Larawang kinuha sa Chongqing sa kahabaan ng Ilog Yangtze. Ito ay perpektong total solar eclipse.
Larawang kinuha sa Hohhot sa hilagang Tsina.
Larawang kinuha sa Hong Kong sa timog Tsina.
Larawang kinuha sa Jinan sa hilagang Tsina.
Larawang kinuha sa Lanzhou sa hilagang kanlurang Tsina.
Larawang kinuha sa Nanning sa timog kanlurang Tsina.
Larawang kinuha sa Urumqi sa hilagang kanlurang Tsina.
Larawang kinuha sa Yichang sa kahabaan ng Ilog Yangtze. Perpektong total solar eclipse.
Larawang kinuha sa Yinchuan sa hilagang kanlurang Tsina.
Larawang kinuha sa Zhoushan sa silangang Tsina.
Larawang kinuha sa Changsha sa kahabaan ng Ilog Yangtze.
Larawang kinuha sa isang eroplano sa langit. Kataka-taka ba?
Mga kaibigan, nakita ba ninyo ang kasalukuyang solar eclipse doon sa Pilipinas? Anu-ano ang sinasabi ninyo hinggil sa karanasang ito? Paki-iwan sa comment!
Balik sa aking blog>>
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |