Kahit bata pa ang Philippine Studies, pagkaraan ng ilang panahon ng pananaliksik at praktis, naging sistematiko na ang mga kurso. Isinalaysay ni Teacher Jack, unang gurong Tsino ng Philippine Studies Program at pangalawang puno ng Southeast Asian Studies ngayon, na
"Binubuo ng aming kurso ang susunod na bahagi: sa unang baitang, natututo sila sa saligang wikang Filipino na gaya ng salita, grammar, pagsalin, pagbabasa sa mga panintikang Pilipino. Sa ikalawang baitang, inimbitahan namin ang isang gurong Pilipino para ibayo pang pabutihin ang kanilang kahusayan sa wika. Sa baitang 3 at baitang 4, natututo sila sa kasaysayan, kultura, pulitika, relihiyon, isyu hinggil sa relasyon ng Tsina at Pilipinas at iba't ibang kaalamang may kaugnayan sa Pilipinas. Also, sa baitang 3 at baitang 4, pumupunta ang mga estudyante sa Pilipinas upang kumuha ng mga may kinalamang kurso ng unibersidad doon."