Ayon kay gurong Kathy, puno ng Philippine Studies Program, na talagang nakakatulong nang marami ang karanasan ng kanilang mga estudyante sa Pilipinas. Sinabi niya na
"Pagkatapos ng kanilang 6 buwang pag-aaral at pamumuhay sa Pilipinas, talagang tumaas nang malaki ang lebel ng kanilang paggamit, pagkaunawa at pagsulat ng Tagalog, napakagalak naming guro hinggil dito. Ito ang mamahaling pagkakataon para sa kanila."
Bukod sa pagtutulungan nila ng mga unibesidad ng Pilipinas, natamo ng Philippine Studies Program ang maraming pagkatig mula sa embahadang Pilipino sa Tsina at may mahalagang katuturan ang mga ito para sa pag-unlad ng major na ito. Sinabi pa ni Doctor Jack na:
"Nang unang malaman ng embahadang Pilipino sa Tsina ang pagkakaroon ng Philippine Studies Program, nag-abuloy ang embahada sa amin ng mga libro. Noon, kulang-kulang kami sa textbooks, napakahalaga ng mga librong ito. Sa susunod, kapag may espesyal na okasyon ang embahada, gaya ng New Year's Day, National Day at pagdalaw ng mga lider ng Pilipinas, laging inimbitahan kami. Sa gayo'y mas maraming pagkakataon ang ipinakakaloob sa amin para makipag-alam sa mga Pilipino at matuto sa kaugalian, kasaysayan at kalagayan ng Pilipinas. Talagang nakakatulong ang mga ito. Ngayon, mainam ang relasyon namin ng embahadang Pilipino at madalas ang aming pag-uugnayan at pagpapalitan."