Pagkaraan ng matiyagang pagsisikap ng mga guro at estudyante, mabunga ngayon ang Philippine Studies Program sa pananaliksik.
"Nakipagtulungan kami sa mga guro ng iba pang programa ng Southeast Asian Studies para magkakasamang nakapaglimbag ng Introduction to Oriental folk literature, bahala kami sa bahagi ng folk literature ng Pilipinas. Nagpalabas din kami ng mga papers hinggil sa relihiyon ng Pilipinas na gaya ng relasyon ng relihiyon at pulitika ng Pilipinas, sining ng Katolisismo ng Pilipinas, Intangible Cultural Heritage ng Pilipinas na gaya ng Hudhud, kasaysayan at oversease at ethnic Chinese sa Pilipinas. Tinanggap ng aming pananaliksik ang mainam na pagtasa sa sirkulong akademikal. Ngayon, isinasalin namin ang 5 epikong Pilipino na gaya ng Lam-Ang, Agyu, Labaw Donggon at Hudhud sa wikang Tsino. Bukod dito, 4 taong singkad na pumunta si guro Antonio sa Pilipinas para sa fieldwork, nakapagtipon siya ng maraming first-handed materials hinggil sa tradisyonal na kulturang Pilipino. Ngayon, nag-aareglo at nananaliksik kami sa mga materyal niya."
Si Doctor Jack ay ang testigo ng paglaki ng programang ito nitong nakalipas na mga taon at marami ang plano at pag-asa niya sa hinaharap ng Philippines Studies Program.
"Ibinabalak naming makapaglimbag ng mas maraming pananaliksik, ibayo pang pakompletohin ang aming mga libro at materyal hinggil sa Pilipinas. Para sa pangmatagalang plano, gusto naming magkompila ng diksyonaryeng Tsino-Pilipino at Pilipino-Tsino, textbook ng Philippine Studies Program, ihubog ang mas maraming mahusay na graduates para sa iba't ibang larangan ng lipunan, pahigpitin ang pagtutulungan namin ng lipunan na gaya ng China Radio International. At isang napakahalagang tungkuling pangkasaysayan ng aming programa ay pagpapasulong ng pagpapalitan ng mga tauhan ng Tsina at Pilipinas at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino anuman ang gagawain ng aming graduates, ito rin ang pundamental at nukleong layunin ng pagtatatag ng Philippines Studies Program ng Peking University."