Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng relasyon ng bagong Tsina at ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2009-09-30 16:44:06       CRI
Ika-9 ng Hunyo, 1975
Nilagdaan sa Beijing nina premyer Zhou Enlai ng Tsina at pangulong Ferdinand Marcos ng Pilipinas ang magkasanib na komunike hinggil sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Nilagdaan din ng pamahalaan ng dalawang bansa ang kasunduang pangkalakalan.

1986
Itinatag ng Tsina at Pilipinas ang mekanismo ng pagsasangguniang diplomatiko.

Abril, 1988
Dumalaw sa Tsina si pangulong Corazon Aquino ng Pilipinas.

Disyembre, 1990
Dumalaw sa Pilipinas si premyer Li Peng ng Tsina.

Ika-25 hanggang ika-30 ng Abril, 1993
Dumalaw sa Tsina si pangulong Fidel Ramos ng Pilipinas. Iniutos niyang pawalang-bisa ang hakbanging pangkalakalan na may pagtatangi sa Tsina at sa gayo'y pumasok sa normal na landas ng pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas.

Agosto, 1993
Dumalaw sa Pilipinas si tagapangulo Qiao Shi ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina.

Nobyembre, 1996
Nagsagawa si pangulong Jiang Zemin ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Pilipinas. Sinang-ayunan nila ni pangulong Fidel Ramos na itatag ang pangkapitbansaang relasyong may pagtitiwalaan at pagtutulungan ng dalawang bansa na tungo sa ika-21 siglo. Narating din nila ang komong palagay hinggil sa prinsipyong "iisang-tabi ang hidwaan at magkakasamang idebelop" sa isyu ng South China Sea.

Marso, 1999
Idinaos sa Maynila ang unang pulong ng working group ng Tsina at Pilipinas hinggil sa hakbangin ng pagtatatag ng pagtitiwalaan sa isyu ng South China Sea.

Nobyembre, 1999
Dumalaw si premyer Zhu Rongji ng Tsina sa Pilipinas at dumalo sa ika-3 di-pormal na pulong ng mga lider ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea sa Maynila.

Mayo, 2000
Nagsagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina si pangulong Joseph Estrada ng Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw, nilagdaan sa Beijing ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag hinggil sa balangkas ng bilateral na kooperasyon sa ika-21 siglo.

Mayo, 2001
Sa ilalim ng tulong ng panig Tsino, sinimulan ang konstruksyon ng Philippine-Sino Center for Agricultural Technology sa Nueva Ecija. Natapos noong Marso ng 2003 ang konstruksyon at dumalo sa inagurasyon si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas.

Oktubre, 2001
Nagsagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw, nilagdaan ng dalawang panig ang kasunduan sa ekstradisyon, MoU sa kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa transnayonal na krimen, kasunduan sa kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa drug trafficking, memorandum sa pagtatatag ng Pilipinas ng konsulada heneral sa Shanghai.

Enero, 2002
Ipinatalastas ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas na ang ika-9 ng Hunyo, araw ng pagkakatatag ng Tsina at Pilipinas ng relasyong diplomatiko, ay maging Filipino-Chinese Friendship Day.

Hulyo, 2002
Binuksan ang konsulada heneral ng Pilipinas sa Shanghai. Idinaos nina pangalawang ministrong panlabas Wang Yi ng Tsina at pangalawang kalihim na panlabas Lauro Baja ng Pilipinas ang taunang pagsasangguniang diplomatiko ng dalawang bansa.

Setyembre, 2002
Dumalaw sa Pilipinas si tagapangulo Li Peng ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, nilagdaan ng dalawang panig ang MoU hinggil sa kooperasyon ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at mababang kapulungan ng Pilipinas.

Agosto, 2003
Dumalaw sa Pilipinas si tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at dumalo sa ika-4 na taunang pulong ng Association of Asian Parliaments for Peace. Nilagdaan ng dalawang bansa ang MoU hinggil sa 400 milyong Dolyares na pautang at ipinagpalitan ang dokumento hinggil sa 1 bilyong Dolyares na currency swap na nilagdaan nauna rito.

Nobyembre, 2003
Nilagdaan ng China National Offshore Oil Corp. at Philippine National Oil Company Exploration Corporation ang dokumento ng intensyon hinggil sa magkasamang paggagalugad ng langis at natural gas sa South China Sea.

Setyembre, 2004
Dumalaw sa Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sa panahon ng pagdalaw, nilagdaan ng dalawang bansa ang mga dokumento sa bilateral na kooperasyon sa pangingisda, turismo at iba pa. Ipinalabas ng dalawang bansa ang magkasanib na komunikeng pampahayagan kung saan kinikilala ng Pilipinas ang market economy status ng Tsina. Nilagdaan ng China National Offshore Oil Corp. at Philippine National Oil Company ang kasunduan sa Joint Marine Seismic Undertaking sa ilang bahagi ng South China Sea.

Ika-14 ng Marso, 2005
Nilagdaan sa Maynila ng China National Offshore Oil Corp., Philippine National Oil Company at Vietnam Oil and Gas Corporation ang 3-taong Tripartite Agreement for Joint Marine Seismic Undertaking in the Agreement Area in the South China Sea.

Abril, 2005
Nagsagawa si pangulong Hu Jintao ng Tsina ng dalaw-pang-estado sa Pilipinas. Itinakda ng mga lider ng dalawang bansa na itatag ang estratehiko at kooperatibong relasyong tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

Enero, 2007
Nagsagawa si premyer Wen Jiabao ng Tsina ng opisyal na pagdalaw sa Pilipinas. Ipinalabas ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapalalim ng estratehiko at kooperatibong relasyong tungo sa kapayapaan at kaunlaran.

Abril, 2007
Dumalaw sa Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at lumahok sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia.

Hunyo, 2007
Dumalaw si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa Lalawigang Chengdu at Lunsod ng Chongqing ng Tsina.

Oktubre, 2007
Dumalo si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa seremonya ng pagbubukas ng Special Olympics sa Shanghai at dumalaw sa Yantai ng Lalawigang Shandong.

Enero, 2008
Dumalaw sa Tsina si ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas.

Agosto, 2008
Dumalo si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympics at dumalaw sa Chengdu.

Oktubre, 2008
Dumalo si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa Asia-Europe Summit sa Beijing at dumalaw sa Wuhan at Hangzhou.

Oktubre, 2008
Dumalo si ispiker Prospero Nograles ng mababang kapulungan ng Pilipinas sa ika-5 China ASEAN Expo sa Nanning at dumalaw sa Kunming at Xiamen.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>