|
||||||||
|
||
Ang Peking University ay tanging paaralan na may Philippine Studies Program ngayon sa Tsina. Ang Philippine Studies Program ay inilakip sa ilalim ng departamento ng Southeast Asian Studies.
Sa kalinan na si Liang Minhe, Direktor ng departamento ng Southeast Asian Studies
Noong 1985 at mula sa taong ito, sinimulan ng Peking University ang pag-eenrol ng mga estudyante. At pagkatapos, noon 1992, 1998, 2002 at 2006, may mga bagong enrolled estudyante at hanggang ngayon, mga 50 graduates ang nagtapos ng unibersidad at 10 estudyante ang nasa kanilang ika-4 taon sa unibersidad.
Kahit bata pa ang Philippine Studies, pagkaraan ng ilang panahon ng pananaliksik at praktis, naging sistematiko na ang mga kurso. Isinalaysay ni Teacher Jack, unang gurong Tsino ng Philippine Studies Program at pangalawang puno ng Southeast Asian Studies ngayon, na
"Binubuo ng aming kurso ang susunod na bahagi: sa unang baitang, natututo sila sa saligang wikang Filipino na gaya ng salita, grammar, pagsalin, pagbabasa sa mga panintikang Pilipino. Sa ikalawang baitang, inimbitahan namin ang isang gurong Pilipino para ibayo pang pabutihin ang kanilang kahusayan sa wika. Sa baitang 3 at baitang 4, natututo sila sa kasaysayan, kultura, pulitika, relihiyon, isyu hinggil sa relasyon ng Tsina at Pilipinas at iba't ibang kaalamang may kaugnayan sa Pilipinas. Also, sa baitang 3 at baitang 4, pumupunta ang mga estudyante sa Pilipinas upang kumuha ng mga may kinalamang kurso ng unibersidad doon."
Sa kalinan na si Jack
Ayon kay gurong Kathy, puno ng Philippine Studies Program, na talagang nakakatulong nang marami ang karanasan ng kanilang mga estudyante sa Pilipinas. Sinabi niya na
"Pagkatapos ng kanilang 6 buwang pag-aaral at pamumuhay sa Pilipinas, talagang tumaas nang malaki ang lebel ng kanilang paggamit, pagkaunawa at pagsulat ng Tagalog, napakagalak naming guro hinggil dito. Ito ang mamahaling pagkakataon para sa kanila."
aklat-aralan na inabuloy ng paaralan ng Pilipinas
Bukod sa pagtutulungan nila ng mga unibesidad ng Pilipinas, natamo ng Philippine Studies Program ang maraming pagkatig mula sa embahadang Pilipino sa Tsina at may mahalagang katuturan ang mga ito para sa pag-unlad ng major na ito. Sinabi pa ni Doctor Jack na:
"Nang unang malaman ng embahadang Pilipino sa Tsina ang pagkakaroon ng Philippine Studies Program, nag-abuloy ang embahada sa amin ng mga libro. Noon, kulang-kulang kami sa textbooks, napakahalaga ng mga librong ito. Sa susunod, kapag may espesyal na okasyon ang embahada, gaya ng New Year's Day, National Day at pagdalaw ng mga lider ng Pilipinas, laging inimbitahan kami. Sa gayo'y mas maraming pagkakataon ang ipinakakaloob sa amin para makipag-alam sa mga Pilipino at matuto sa kaugalian, kasaysayan at kalagayan ng Pilipinas. Talagang nakakatulong ang mga ito. Ngayon, mainam ang relasyon namin ng embahadang Pilipino at madalas ang aming pag-uugnayan at pagpapalitan."
nobela ni Jose Rizal na inabuloy ng unibersidad ng Pilipinas
Pagkaraan ng matiyagang pagsisikap ng mga guro at estudyante, mabunga ngayon ang Philippine Studies Program sa pananaliksik.
"Nakipagtulungan kami sa mga guro ng iba pang programa ng Southeast Asian Studies para magkakasamang nakapaglimbag ng Introduction to Oriental folk literature, bahala kami sa bahagi ng folk literature ng Pilipinas. Nagpalabas din kami ng mga papers hinggil sa relihiyon ng Pilipinas na gaya ng relasyon ng relihiyon at pulitika ng Pilipinas, sining ng Katolisismo ng Pilipinas, Intangible Cultural Heritage ng Pilipinas na gaya ng Hudhud, kasaysayan at oversease at ethnic Chinese sa Pilipinas. Tinanggap ng aming pananaliksik ang mainam na pagtasa sa sirkulong akademikal. Ngayon, isinasalin namin ang 5 epikong Pilipino na gaya ng Lam-Ang, Agyu, Labaw Donggon at Hudhud sa wikang Tsino. Bukod dito, 4 taong singkad na pumunta si guro Antonio sa Pilipinas para sa fieldwork, nakapagtipon siya ng maraming first-handed materials hinggil sa tradisyonal na kulturang Pilipino. Ngayon, nag-aareglo at nananaliksik kami sa mga materyal niya."
Sina Liang, Jack at Kathy
Si Doctor Jack ay ang testigo ng paglaki ng programang ito nitong nakalipas na mga taon at marami ang plano at pag-asa niya sa hinaharap ng Philippines Studies Program.
"Ibinabalak naming makapaglimbag ng mas maraming pananaliksik, ibayo pang pakompletohin ang aming mga libro at materyal hinggil sa Pilipinas. Para sa pangmatagalang plano, gusto naming magkompila ng diksyonaryeng Tsino-Pilipino at Pilipino-Tsino, textbook ng Philippine Studies Program, ihubog ang mas maraming mahusay na graduates para sa iba't ibang larangan ng lipunan, pahigpitin ang pagtutulungan namin ng lipunan na gaya ng China Radio International. At isang napakahalagang tungkuling pangkasaysayan ng aming programa ay pagpapasulong ng pagpapalitan ng mga tauhan ng Tsina at Pilipinas at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino anuman ang gagawain ng aming graduates, ito rin ang pundamental at nukleong layunin ng pagtatatag ng Philippines Studies Program ng Peking University."
medalya mula sa Ateneo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |