Taiping Rebellion at Filipino
(GMT+08:00) 2009-10-14 15:04:18 CRI
Ang Pu'tong ay ang pinaka-marangyang distritong pinansyal sa Shanghai. Alam ba ninyo na may mga inapo ng mga Filipino sa Pu'tong? Noong panahon ng pag-aalsa ng Taiping (1851-1864), nagbuo si Commander Frederick Townsend Ward ng riffle infantry ng sundalo upang lumaban sa Hukbong Taiping. Ilan sa mga sundalo ay mga Filipinong nirekrut sa Shanghai upang sumanib sa hukbo. Nang nalaman ng mga Filipinong ito na karamihan sa kakalabanin nila ay kapwa nila maliliit at hamak na magsasaka, hindi sila sumang-ayon sa kumander at kumalas sa hukbo. Karamihan sa kanila'y sa Pu'tong na nanirahan at doon na rin nagsipag-asawa ng mga babaeng Tsino kaya hindi maitatanggi na may mga inapo ang mga Filipino sa Pu'tong.
Comments