|
||||||||
|
||
Si Prof. Yuan Long Ping
Si Prof. Yuan Long Ping ay kinikilala bilang isang mahalagang kayamanang-bayan sa Tsina at sa buong mundo dahil sa pagdiskubre niya kung paano magpalago ng "Hybrid Rice." Dahil sa kanyang pananaliksik tumaas ang antas ng ani ng bigas sa buong Tsina.
Ang pilot field ng hybrid rice sa Philrice
Bilang manunulat, mapalad akong nabigyan ng pagkakataon na siya'y makapanayam noong 2003. Tinanong ko siya kung bakit sa Pilipinas niya unang ipinamahagi ang kaalaman tungkol sa pagpapadami ng Hybrid Rice. Ang sagot ni Yuan Long Ping, ang paglipat niya ng kaalaman sa Pilipinas ay bilang pagtanaw ng utang na loob dahil sa minsang pagkakaligtas sa milyon-milyong Tsino sa tiyak na kagutuman. Ang sagot na ito ay tungkol sa isang maliit na kwento hinggil sa kamote na maaaring hindi alam ng nakakarami. Isang Tsino na dayo sa Pilipinas ang nag-uwi ng kamote sa bayan nila sa Fujian noong panahon ng pamumuno ni Ming noong ika-labing anim na siglo. Mabilis na lumago ang kamote at naipinamahagi ang tanim na ito sa marami. Ang kamoteng ito ang nagligtas sa milyon-milyong mamamayan ng minsang nagkaroon ng tag-gutom dahil sa panahon ng tagtuyo.
Panayam ng mga mamamahayag ng CRI sa isang magsasakang Pilipino na nagtatanim ng hybrid rice
Panayam ng mga mamamahayag ng CRI, kasama ni Mr. Go Bon Juan, kay Henry Lim Bon Liong, CEO ng SL Agritech Corporation, isang kompanya ng pananaliksik, pagdedebelop at pagpoprodyus ng hybrid rice sa Pilipinas
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |