Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batay sa pamilihang lokal, unti-unting nakokopo ang pamilihang Tsino

(GMT+08:00) 2009-10-14 16:50:26       CRI

Proseso ng pagkakatatag

Noong taong 1996, nagpatalastas ng bankruptcy ang isang beer factory sa lunsod ng Baoding sa lalawigang Hebei ng Tsina, makabago ang mga kasangkapan, ngunit, naluki ang pabrika dahil sa di-mahusay na pagpapatakbo nito. Dahil dito, hindi na maipagtutloy ang produksyon.

Mga 1 oras lamang ang biyahe mula sa Beijing patungo sa Baoding, at sagana ang Baoding sa de-kalidad na mineral spring water na isang pangunahing sangkap sa produksyon ng beer. kaya, nang makarating ang balitang ito sa mga malaking beverage company, naakit nito ang maraming kompanya mula sa E.U., Alemanya, Britanya at iba pang bansa na gustong bilihin ang pabrikang ito. ang San Miguel, isang sikat na kompanya sa Pilipinas ay kabilang dito.

 

Sapul nang ikatatag noong taong 1890, mula sa isang maliliit na kompanya ng beer, ang San Miguel ngayon ay pang-20 nang pinakamalaking beverage company sa daigdig at pinakamalaki sa Pilipinas. Pagkaraan ng walang humpay na pagmimili at pag-me-merge, nakapagbukas na ito ng mga sangay sa Biyetnam, Thailand, Indonesiya, Australya at Tsina, at ang mga beer at berverage nito ay iniluluwas sa mahigit 40 bansa sa daigdig.

Pag-unlad sa Tsina

Bago napanumbalik ang HongKong sa Tsina noong 1997, naitatag na ng San Miguel ang beer companya sa HongKong at naging una at tanging beer company na may sariling pagawaan sa loob ng HongKong. Once upon a time, ang San Miguel ay pinakapopular na brand ng beer doon. Pagkaraan nito, magkakasunod na naitatag ang kompanya ng beer sa Guangzhou at Baoding.

Si Wilfredo R Camaclang ay general manager ng San Miguel Brewery North China Operations at tungkol sa pamilihan ng Tsina, ipinalalgay niyang malaki ang pagkakataon dito pero, mayroon ding malaking hamon.

Dahil sa nasabing mga elemento, di-katulad ng iba pang estratehiyang isinagawa ng San Miguel sa Biyetnam, Indonesiya at iba pang lugar, pinili nilang unti-unting hubugin ang pamilihan at paunlarain ang kanilang negosyo mula sa lokalidad ng kanyang kompanya-Ang Boding. Ang Baoding ay isang tradisyonal na lunsod ng Tsina na may 2300 taong kasaysayan at sinasabing ito ang katimugang pinto ng Beijing. Sa kasalukuyan, sa mga supermarket, sa malalaki nang restawran o sa mga snack bar sa kalye, makikita mo ang iba't ibang uri ng produkto ng San Miguel. Bawat Hulyo, idinaos ang kapistahan ng beer sa Baoding at bukod sa mga pagtatanghal, idinaraos din ang mga paligsahan ng pag-inom ng beer. Sa paligsahang ito, kung sino ang unang makakaubos ng isang bote ng beer, siya ang kampeon at tatanggap siya ng gantimpala mula sa San Miguel. At para sa mga sales representative na matagumpay na makakabenta ng pinakamaraming beer sa isang taon, hindi lang special pitation ang tatanggapin nila sa San Miguel, kundi isang kotse. Tungkol sa kanyang pag-unlad sa Baoding at blueprint ng kanyang kompanya, sinabi ni Wilfredo na…

Tulay sa pagpapasulong ng pagpapalitang Sino-Pilipino

Bukod sa pagpoprodyus at pagbebenta ng beer, ang San Miguel sa Baoding ay naging isang tulay din sa pagpapasulong ng pagpapalitang Sino-Pilipino. Alam naming sa Tsina, may isang grupo ng tagalog learners sa Peking University at bukod sa kanilang aralin sa unibersidad, isinagawa pa nila ang practicum sa San Miguel, bumibisita sa assembly line, nagpe-perform ng tagalog show at kumakanta ng mga Filipino songs at iba pa. Anim na taon nang nananatili sa Tsina, tuwang-tuwang kinatagpo ni Wilfredo ang mga tagalog learners.

Ngayon, malalaki na ang mga batang bumista minsan sa San Miguel Baoding, dalawa sa kanilang ay naging miyembro ng aming serbisyong Filipino. Si Andrea ay isa sa kanila. Nakikita ko ang maraming artikulo niya tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan sa aming website. Nang mabanggit si Wilfredo, ipinahayag niya ang kanyang malalim na impresyon dito.

Sa susunod na taon, sasalubungin ng San Miguel Baoding ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag sa Tsina. Bagama't mahigpit ang kompetisyon at maraming competitors, lubos ang kompiyansa ni Wilfredo na unti-unting makokopo nila ang pamilihan ng Tsina. Ok, sana maging mas masagana ang negosyo ng San Miguel Baoding.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>