|
||||||||
|
||
Tulay sa pagpapasulong ng pagpapalitang Sino-Pilipino
Bukod sa pagpoprodyus at pagbebenta ng beer, ang San Miguel sa Baoding ay naging isang tulay din sa pagpapasulong ng pagpapalitang Sino-Pilipino. Alam naming sa Tsina, may isang grupo ng tagalog learners sa Peking University at bukod sa kanilang aralin sa unibersidad, isinagawa pa nila ang practicum sa San Miguel, bumibisita sa assembly line, nagpe-perform ng tagalog show at kumakanta ng mga Filipino songs at iba pa. Anim na taon nang nananatili sa Tsina, tuwang-tuwang kinatagpo ni Wilfredo ang mga tagalog learners.
Ngayon, malalaki na ang mga batang bumista minsan sa San Miguel Baoding, dalawa sa kanilang ay naging miyembro ng aming serbisyong Filipino. Si Andrea ay isa sa kanila. Nakikita ko ang maraming artikulo niya tungkol sa pagpapanatili ng kalusugan sa aming website. Nang mabanggit si Wilfredo, ipinahayag niya ang kanyang malalim na impresyon dito.
Sa susunod na taon, sasalubungin ng San Miguel Baoding ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag sa Tsina. Bagama't mahigpit ang kompetisyon at maraming competitors, lubos ang kompiyansa ni Wilfredo na unti-unting makokopo nila ang pamilihan ng Tsina. Ok, sana maging mas masagana ang negosyo ng San Miguel Baoding.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |