|
||||||||
|
||
Pag-unlad sa Tsina
Bago napanumbalik ang HongKong sa Tsina noong 1997, naitatag na ng San Miguel ang beer companya sa HongKong at naging una at tanging beer company na may sariling pagawaan sa loob ng HongKong. Once upon a time, ang San Miguel ay pinakapopular na brand ng beer doon. Pagkaraan nito, magkakasunod na naitatag ang kompanya ng beer sa Guangzhou at Baoding.
Si Wilfredo R Camaclang ay general manager ng San Miguel Brewery North China Operations at tungkol sa pamilihan ng Tsina, ipinalalgay niyang malaki ang pagkakataon dito pero, mayroon ding malaking hamon.
Dahil sa nasabing mga elemento, di-katulad ng iba pang estratehiyang isinagawa ng San Miguel sa Biyetnam, Indonesiya at iba pang lugar, pinili nilang unti-unting hubugin ang pamilihan at paunlarain ang kanilang negosyo mula sa lokalidad ng kanyang kompanya-Ang Boding. Ang Baoding ay isang tradisyonal na lunsod ng Tsina na may 2300 taong kasaysayan at sinasabing ito ang katimugang pinto ng Beijing. Sa kasalukuyan, sa mga supermarket, sa malalaki nang restawran o sa mga snack bar sa kalye, makikita mo ang iba't ibang uri ng produkto ng San Miguel. Bawat Hulyo, idinaos ang kapistahan ng beer sa Baoding at bukod sa mga pagtatanghal, idinaraos din ang mga paligsahan ng pag-inom ng beer. Sa paligsahang ito, kung sino ang unang makakaubos ng isang bote ng beer, siya ang kampeon at tatanggap siya ng gantimpala mula sa San Miguel. At para sa mga sales representative na matagumpay na makakabenta ng pinakamaraming beer sa isang taon, hindi lang special pitation ang tatanggapin nila sa San Miguel, kundi isang kotse. Tungkol sa kanyang pag-unlad sa Baoding at blueprint ng kanyang kompanya, sinabi ni Wilfredo na...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |