|
||||||||
|
||
Proseso ng pagkakatatag
Noong taong 1996, nagpatalastas ng bankruptcy ang isang beer factory sa lunsod ng Baoding sa lalawigang Hebei ng Tsina, makabago ang mga kasangkapan, ngunit, naluki ang pabrika dahil sa di-mahusay na pagpapatakbo nito. Dahil dito, hindi na maipagtutloy ang produksyon.
Mga 1 oras lamang ang biyahe mula sa Beijing patungo sa Baoding, at sagana ang Baoding sa de-kalidad na mineral spring water na isang pangunahing sangkap sa produksyon ng beer. kaya, nang makarating ang balitang ito sa mga malaking beverage company, naakit nito ang maraming kompanya mula sa E.U., Alemanya, Britanya at iba pang bansa na gustong bilihin ang pabrikang ito. ang San Miguel, isang sikat na kompanya sa Pilipinas ay kabilang dito.
Sapul nang ikatatag noong taong 1890, mula sa isang maliliit na kompanya ng beer, ang San Miguel ngayon ay pang-20 nang pinakamalaking beverage company sa daigdig at pinakamalaki sa Pilipinas. Pagkaraan ng walang humpay na pagmimili at pag-me-merge, nakapagbukas na ito ng mga sangay sa Biyetnam, Thailand, Indonesiya, Australya at Tsina, at ang mga beer at berverage nito ay iniluluwas sa mahigit 40 bansa sa daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |