|
||||||||
|
||
Ito ang kauna-unahang pagkakataon para kay Sissi na pumunta sa Nanning, Guangxi. Ang first impresyon ko ay berdeng berde ito-madadahong puno at makukulay na bulaklak.
Bago binuksan ang China-ASEAN Expo, ang Nanning ay isang karaniwang lunsod sa dakong timog kanluran ng Tsina. Matatag na pamumuhay, masasarap na snack food at kaakit-akit na night life. Pagkaraang maging host city ng China-ASEAN Expo, naglaan ang pamahalaang sentral at lokal ng malaking pondo para sa pagtatayo ng exbhition hall, paggawa ng mga kalsada at pagtatayo ng mga language schools para salubungin ang mga bisita galing sa sampung bansang ASEAN.
Alas-diyes na ng gabi, pero marami pang nagkukuwentuhan sa mga snack bars sa magkabilang tabi ng kalye. Dahil malapit sa dagat, mura ang mga seafood dito sa Nanning. Sa Beijing, kung oorder kayo ng isang meal na katulad ng Nanning, siguro doble o triple ang presyo. Kasi, pagkaraan ng maghapong trabaho, gusto kong pumunta sa maliliit na snack bars, kasama ang mga katrabaho, para magrelaks.
Sa Nanming, marami ng kotse, pero, marami din naming motorsiklo. Marami akong nakitang magkaka-partner na sumasakay ng kotse at rumaragas papunta kung saan. I even admire them, habang naghihintay ako ng taksi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |