Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing, umulan na ng niyebe

(GMT+08:00) 2009-11-02 17:33:06       CRI

Larawang kinuha sa paligid ng Forbidden City

Umulan kahapon ng niyebe dito sa Beijing. Talagang malakas ang pag-ulan at tumagal ito mula noong madaling araw hanggang hapon. Makapal ang natipong niyebe sa lupa at naging puti ang buong lunsod.

Taun-taon'y umuulan ng niyebe sa Beijing. Pero maaga ang kasalukuyang pag-ulan sa unang araw ng Nobyembre. Ayon sa ekspertong meteorolohikal, ito ay pinakamaagang pag-ulan ng niyebe sa isang taon nitong halos 10 taong nakalipas at ika-3 pinakamaaga sa kasaysayang meteorolohikal ng Beijing.

Niyebe at pulang dahon ng maple tree

Sa katotohanan, ang kasalukuyan ay ang taglagas sa Beijing at hindi pa taglamig kung kailan madalas ang pag-ulan ng niyebe. Sa taglagas, ang pinakamagandang tanawin sa Beijing ay ang mga pulang dahon ng maple tree. Ngayon, mas masuwerte kami, dahil nakikita ang pulang dahon kasama ng niyebe. Mas maganda ang tanawing ito.

Sina Nelia, Rhio at Marissa

Btw, ngayong umaga, may 3 panauhing Pilipino sa aming Service Filipino na sina Marissa, Nelia at Rhio. Ilang araw na nananatili na sila sa Beijing at kaugnay ng kasalukuyang pag-ulan ng niyebe, sabi nilang malamig na malamig, pero tuwang-tuwa sila dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakikita nila ang niyebe. Naglaro anila sila ng niyebe at kumuha ng maraming litrato.

Tulad ng nabanggit ko sa itaas, maaga ang kasalukuyang pag-ulan ng niyebe at bakit ganitong maaga, mayroon bang kaugnayan sa global warming na sanhi pa sa maraming bagyo sa Pilipinas sa taong ito?

Pero masuwerte kami, dahil ang niyebe ay hindi kasinsama ng bagyo. Sa karaniwan, ang taglagas sa Beijing ay tagtuyot din, pero ang pag-ulan ng niyebe ay hindi lamang nagdudulot ng tubig, kundi rin pumapatay sa mga masamang insekto, kaya ito ay makakabuti sa paglaki ng mga pananim. At sa harap naman ng lumalalang epidemiya ng H1N1 influenza A dito sa Beijing, mapapatay pa ng niyebe at negatibong temperatura ang influenza virus?

Ok, sa ibaba, makikita ninyo ang mga larawan ng niyebe na kinuha ko sa paligid ng CRI building.

Ang larawang ito ay kinuha mula sa bintana ng opisina ng Serbisyo Filipino sa ika-9 na lapag ng CRI Building. Nakita ba ninyo ang niyebe sa kagubatan at bundok sa malayo?

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>