Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xiangsu Ya o Mabango at Malutong na Pato

(GMT+08:00) 2009-11-27 18:18:54       CRI

Unang-una, nakikidalamhati ako sa mga nabiktima na kinabibilangan ng mga mamamahayag na Pilipino sa malagim na pagmamasaker sa Maguindanao.

Mga cooking fans, ito po si Chef Pogi. Ngayong araw, patuloy ako sa paghahandog sa inyo ng mga resipe. Ang putaheng Tsino ngayong araw ay ang Xiangsu Ya o Mabango at Malutong na Pato, isang kilalang putahe mula sa Yangzhou, lugar sa silangang Tsina. Sa katotohanan, mahirap na lutuin ang putaheng ito, pero ngayong araw, susubukin natin ang isang madaling paraan.

Mga sangkap

Isang pato na tumitimbang ng 1200 gramo at inalisan ng laman
2000 gramo ng langis na panluto (1/40 lamang ang makukunsumo)
10 gramo ng asin
2 gramo ng vetsin
15 gramo ng shaoxing wine
3 butil na buto ng klabo
5 gramo ng Chinese prickly ash
25 gramo ng cassia bark
4 na piraso ng star anise
5 gramo ng hiniwa-hiwang scallion
5 gramo ng hiniwang luya
25 gramo ng tuyong cornstarch
10 gramo ng sesame oil

Paraan ng pagluluto

Alisin ang mga paa, dulo ng pakpak at buntot ng pato. Linisin at patuluin. Ilagay ang pato sa palanggana. Lagyan ng tubig ang cornstarch para sa paggawa ng pasta mamaya. Pagsama-samahin ang scallion, luya, asin, buto ng klabo, Chinese prickly ash, cassia bark at star anise at ilagay ang pato at i-marinate sa loob ng dalawang oras. Lagyan ng vetsin at pausukan hanggang sa lumambot sa tamang lambot ang karne ng pato. Hanguin ang pato at palamigin. Alisin ang mga scallion, luya at mga iba pang pampalasa.

Maglagay ng langis na panluto sa kawa at initin sa malakas na apoy sa temperaturang 200 hanggang 220 degree centigrade. Pahiran ng manipis na coating ng pasta ng cornstarch ang pato at iprito hanggang maging ginintuang dilaw. Hanguin ang pato at patuluin. Hiwa-hiwain nang malalaki, isalin sa plato at wisikan ng sesame oil.

Heto ang Mabango at Malutong na Pato o Xiangsu Ya. Mayroon itong kulay na gintong dilaw. Masustansiya pero hindi mamantika at napakasarap ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>