|
||||||||
|
||
Ngunit, umiiral ang ilang problema sa WTO, kaugnay nito, ipinakikita ang bentahe ng Free Trade Area, FTA. Ipinalalagay ng halos lahat ng bansa na sa kasalukuyan, mahirap na nagtatamo ng progreso ang mga multilateral na talastasan, kaya magkakasunod na pinalalakas nila ang puwersa sa pagpapaunlad sa FTA. Napag-alamang ang mga nilalaman ng nabanggit na kasunduan ay may kinalaman sa mga larangan na kinabibilangan ng agrikultura, market access ng mga produktong di-agrikultural, kalakalang panserbisyo, pagpapasimple at pagpapaunlad sa kalakalan at iba pa. Sa nukleong isyu ng talastasan--ang isyu ng agrikultura, ipinangako ng mga maunlad na bansa na aalisin sa wakas ang subsidy sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produktong agrikultural, babawasan nang malaki ang panloob na pagkatig at substansyal na pabubutihin ang kondisyon ng market access.
Dahil dito, ipinakikita ang bentahe ng FTA. Nasa yugtong panteknolohiya pa rin ang talastasan, umaasa siyang sa darating na tagsibol, maaaring pumasok ito sa yugtong pampulitika. Tinukoy rin niyang sa kabila ng matatamong bunga sa larangan ng agrikultura, dapat magkaroon ang talastasan ng progreso sa iba pang larangan.
Sa isang report na ipinalabas noong ika-16 ng Disyembre ng 2004, ipinahayag ni Supachai Panitchpakdi, pangkalahatang kalihim ng WTO, na ayon sa estadistika ng organisasyong ito, hanggang noong 2004, 206 ang mga panrehiyong kasunduang pangkalakalan na kinabibilangan ng FTA at kasunduan hinggil sa kalakalan ng serbisyo, 30 ang magkakabisa at halos 60 ang tinatalakay. Tinaya nitong sa 2005, ang bilang ng mga panrehiyong kasunduang pangkalakalan ay umabot sa 300.
Sa bisperas ng pagsapi sa WTO, alam nang lubos ang mga lider ng Tsina na ang WTO ay hindi isang master key. Sa harap ng tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan at rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, ang Tsina ay dapat hindi lamang sumapi sa WTO, kundi dapat itong magpatingkad ng papel sa rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan. Sa loob ng darating na mahabang panahon, ang globalisasyong pangkabuhayan at rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan ay magiging pangunahing elemento at mahalagang tunguhin sa pagbabago ng situwasyong pangkabuhayan sa daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |