|
||||||||
|
||
Una, ang impluwensiya ng paglilikha ng kalakalan at impluwensiya ng paglilipat ng kalakalan.
Ang impluwensiya ng paglilikha ng kalakalan: pagkaraang kanselahin ng mga kasaping bansa ng FTA ang mga restriksyong pangkalakalan sa isa't isa, mahahalinhan ang mga produkto ng kasaping bansa na mataas na halaga ng mga produktong yari ng iba pang kasapi na mababa ang halaga, at maradagdagan din ang pagluluwas ng mga produkto ng mga kasaping bansa na mababa ang halaga. Kung magkakagayon, makapagtatamasa ang mga kasaping bansa ng FTA ng mas maraming pagkakataong pangkalakalan at kapakanang pangkabuhayan.
Ang impluwensiya ng paglilipat ng kalakalan, salamat sa pagbaba ng halaga sa kalakalan sa loob ng FTA, maaaring mahalinhan ang kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng FTA at iba pang bansa sa labas ng FTA ng kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng FTA. Sa gayon, mababawasan ang pag-asa ng mga kasaping bansa ng FTA sa pakikipagkalakalan sa labas ng rehiyon.
Ikalawa, ang dinamikal na impluwensiya ng FTA ay kinabibilangan ng impluwensiya ng ekspansiyon ng kalakalan at impluwensiya ng pagpapasulong sa kompetisyon. Kasabay ng pagpapalawak ng kalakalan ng FTA, mapapataas din ang episyensiya ng produksyon at sirkulasyon at kasabay ng pagbubuo ng pinag-isang pamilihan ng FTA, mapapasulong ang pagiging kompetetibo at mapapataas ang episyensiya sa loob ng rehiyon.
Para sa mga kasapi ng FTA, ang impluwensiya ng paglilikha ng kalakalan, impluwensiya ng ekspansiyon ng kalakalan at impluwensiya ng pagpapasulong sa kompetisyon ay magdudulot ng positibong epekto, ngunit ang impluwensiya ng paglilipat ng kalakalan ay posibleng magdulot ng negatibong epekto. Mapasulong ang mapayapa at masaganang partnership at mapalakas ang pagtitiwalaang pulitika sa isa't isa at ang kanilang kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan at gayundin ang pagpapalitang pankultura at kanilang diyalogo.
Bukod dito, gaganap ang FTA ng positibong papel sa pagpapasok ng FDI, direktang pamumuhunang dayuhan. Una, dahil hindi pa rin ganap na ini-ma-marketize ang paglilipat ng mga ari-arian ng estado, mahirap na tasahin kung nananatili, naradagdagan o nababawasan ang halaga ng naturang mga ari-arian; ikalawa, ipinagbibili nang muri ang mga ari-arian; ikatlo, sadyang pinababa ang halaga ng mga ari-arian sa takbo ng paglilipat ng karapatan sa ari-arian at iba pa. Nitong mga nakalipas na panahon, ang rehiyong karatig ay nagsilbing isa sa mga mahalagang pinagmulan ng FDI na hinihikayat ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |