Ang FTA o kasunduan hinggil sa malayang kalakalan ay isang panrehiyong pagsasaayos na pangkalakalan na isinasagawa ng dalawa o mahigit sa dalawang bansa batay sa may kinalamang regulasyon ng WTO at para maisakatuparan ang liberalisasyon ng kanilang kalakalan. Mahahalinhan ang mga produkto ng kasaping bansa na mataas na halaga ng mga produktong yari ng iba pang kasapi na mababa ang halaga, at maradagdagan din ang pagluluwas ng mga produkto ng mga kasaping bansa na mababa ang halaga. Kung magkakagayon, makapagtatamasa ang mga kasaping bansa ng FTA ng mas maraming pagkakataong pangkalakalan at kapakanang pangkabuhayan.
Ang mga batayang legal ng FTA ay, pangunahin na, ika-24 na artikulo ng GATY na inilagay sa balangkas na legal ng WTO at ika-5 artikulo ng GATS na itinadhana alinsunod sa Uruguay Round. Bukod dito, salamat sa pagbaba ng halaga sa kalakalan sa loob ng FTA, maaaring mahalinhan ang kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng FTA at iba pang bansa sa labas ng FTA ng kalakalan sa pagitan ng mga kasaping bansa ng FTA. Sa gayon, mababawasan ang pag-asa ng mga kasaping bansa ng FTA sa pakikipagkalakalan sa labas ng rehiyon.
Ang kaugnayan sa pagitan ng FTA at liberalisasyong pangkalakalan ng daigdig na itinataguyod ng WTO ay isang kaugnayan ng pagsusuplaymento at interaction. Ang panrehiyong pagsasaayos na pangkalakalan na hindi lumalabag sa regulasyon ng WTO ay makakabuti sa pagpapasulong ng liberalisasyong pangkalakalan ng daigdig. Mapapataas din ang episyensiya ng produksyon at sirkulasyon at kasabay ng pagbubuo ng pinag-isang pamilihan ng FTA, mapapasulong ang pagiging kompetetibo at mapapataas ang episyensiya sa loob ng rehiyon.