|
||||||||
|
||
Noong araw, nag-isip akong ihandog ang mga di-pangkaraniwang pagkain sa inyo sa Krismas. Kaya, hinanap ko sa aking recipe collection ang mga pagkaing Tsino na katulad ng mga espesyalting Pilipino para sa Krismas na gaya ng spaghetti, macaroni salad, morcon, leche plan, puto bumbong, bibingka at iba pa. Siyempre, hindi talagang parehong-pareho, pero malapit na doon sa pinaghahambingan. Mula ngayong araw, ihahatid ko sa inyo ang naturang mga pagkaing Tsino. At sa araw na ito ay Filipino Style Spaghetti at Fried Rice Noodles.
Filipino Style Spaghetti
Ayon kay Kuya Ramon, madalas na isinisilbi sa panahon ng Krismas ang Filipino Style Spaghetti--spaghetti na kasama ng nilutong tinadtad na karne ng baka at baboy, piraso ng hotdogs, tomato sauce at iba pa. Nasa isip ko ang Fried Rice Noodles dito sa Tsina na ang sangkap nito na rice noodles ay malapit sa spaghetti.
Tuyong Rice Noodles
Unang-una ang hinggil sa rice noodles. Ang pangunahing sangkap nito ay ang galapong at tubig. Ito ay isang kilalang pagkain sa timog kanlurang Tsina na gaya ng Yunnan, Guizhou at iba pa. Dalawang uri ang rice noodles: mataba at payat. Kapwa tinatawag na rice noodles sa wikang Ingles, pero iba sa wikang Tsino na ang matabang rice noodles ay Mi Fen at ang payat naman ay Mi Xian.
Rice Noodles sa sabaw ng karne
Marami ang mga paraan ng pagluluto ng rice noodles. Maaring isilbi sa sabaw ng karne o igisa kasama ng karne, gulay o seafood.
Pancit Bihon
Sa palagay ko, mayroon pang rice noodles sa Pilipinas na tinatawag na bihon sa Pancit Bihon.
Ang mga sangkap ng Fried Rice Noodles ay mga maliit na piraso ng karne ng baka, mahabang piraso ng repolyo, sibuyas at karot, mantika, toyo, asin at asukal.
Paraan ng pagluluto:
Ibabad ang tuyong rice noodles sa kumukulong tubig hanggang maging kaunting malambot. Pagkatapos, isalin sa medyo malamig na tubig. Alisin at patuluin.
Initin sa kawali ang mantika at igisa ang karne ng baka at tapos ang repolyo, sibuyas a karot sa loob ng ilang minuto. Lagyan ng rice noodles, asin at asukal at buhusan ang toyo. Haluing mabuti at isilbi.
Fried Rice Noodles
Heto ang Fried Rice Noodles. Malapit ba ito sa Filipino Style Spaghetti?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |