|
||||||||
|
||
Ano ang kagamitan sa larawan sa itaas? Bumbong? Haha, malapit na malapit, pero hindi! Ito ay tinatawag na "zeng" sa wikang Tsino. Ang pagkaing Tsino ngayong araw ay ang "zengr gao" na may kagamitan ng pagluluto na malapit sa puto bumbong, pero ang pagkain mismo ay hindi pareho.
Bagama't malapit na malapit sa anyo, iba ang materyal ng "zeng" at bumbong. Ang bumbong ay ginawa sa kawayan at ang "zeng" naman ay ginawa sa kahoy. Sa kadalasan, mga 10 sentimetro ang taas ng "zeng" at mga 5 sentimetro ang diyametro. Hungkag ang loob nito at ito ay ginawa para malagyan ng mga sangkap. Maraming butas sa puwitan ng "zeng", at sa gayo'y makapasok dito ang mainit na hangin para maluto.
Sa larawan sa itaas ang "zengr gao" at ito ay isang kilalang meryenda sa hilagang Tsina. Tinatawag din itong "Rice and Jujube Cake" sa wikang Ingles, pero sa kasalukuyan, hindi ginagamit lamang ang jujube para rito. Ang pangunahing sangkap ng "zengr gao" ay galapong at tubig. Para lutuin, ilagay ang mixture ng galapong, asukal at tubig sa loob ng "zeng", ilagay ang "zeng" sa itaas ng steamer para pausukan sa loob ng 4 hanggang 5 minuto, pagkatapos ilabas ang cake at lagyan ng tinadtad na sesame o fruit jam na gaya ng jujube, mansanas, strawberry, pineapple at iba pa at isilbi.
Mga kaibigan, ano ang sasabihin ninyo hinggil sa pagkaing Tsino na itong "zengr gao"? Chinese version ba ng puto bumbong? Ok, hanggang sa susunod na patuloy nating kilalanin ang iba pang Chinese version ng espesyalti sa Krismas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |