|
||||||||
|
||
Noong alas-5:53 kamakalawa ng madaling araw, Manila Time, naganap sa Haiti ang napakalakas na lindol na may lakas na 7 sa richter scale. Ito ang pinakamalakas na lindol na naganap sa Haiti nitong mahigit 200 taong nakalipas. Ang Haiti ay isang mahirap na bansang isla sa Caribbean Sea. Sa lindol, nawasak ang maraming arkitektura na kinabibilangan ng palasyong pampanguluhan. Ayon sa opisyal ng Haiti, posibleng umabot sa 500 libo ang mga nasawi sa lindol. Ang Port-Au-Prince, kabisera ng Haiti, ay isa sa mga pinakagrabeng apektadong lugar sa lindol. Ngayon, naputol doon ang suplay ng tubig at koryente, kulang sa gamot at mga materyal para sa gawaing panaklolo at higit sa lahat, ang karamihan sa mga pasilidad na pampubliko ay nasira sa lindol. Sa kasalukuyan, nagagamit lamang ang isang ospital sa Port-au-Prince at ang paliparan doon ay nasa kaguluhan din.
Ang Tsina, kung saan naganap naman ang napakalakas na lindol noong 2008, ay isa sa mga bansang pinakamaliwanag na nakakaalam kung ano ang kinakailangan ng Haiti sa kasalukuyan. Pagkaraang maganap ang lindol, agarang ipinadala ng Tsina sa Haiti ang 60-taong international rescue team. Ipinasiya rin ng pamahalaang Tsino na magkaloob ng mga tulong na pondo at materyal. Sa kasalukuyan, nasa Haiti ang mga rescue team mula sa 8 bansa na gaya ng Tsina, E.U., Espanya, Honduras, Cuba at iba pa para iligtas ang mga tao nasa ilalim ng guho at bigyang-lunas ang mga nasugatan. Magkakaloob din ang maraming bansa ng tulong na pondo at materyal sa Haiti.
Nakatalaga sa Haiti ang UN Stabilization Mission na ang mga miyembro ay galing sa iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Tsina at Pilipinas. Sa kasalukuyan, nalilibing sa guho ang 8 tauhang pamayapa ng Tsina at ligtas ang iba pang 138 at 18 tauhan ng mga organong Tsino sa Haiti. Pero, dahil wala pang relasyong diplomatiko ang Tsina at Haiti, hindi nalalaman ang dami ng mga sibilyang Tsino doon at kung paano ang kanilang kalagayan. Napag-alamang bagong maganap ang lindol, isang mamamahayag ng China Radio International ang nagsasagawa ng business trip sa Haiti. Ligtas siya at nagsasagawa siya ngayon ng pagkokober sa lindol. Sa panig Pilipino naman, ayon sa mediang Pilipino, 172 lahat-lahat ang mga tauhang pamayapa ng Pilipinas sa Haiti. Isa sa kanila ang nailigtas sa guho, 3 ang nawawala at ang mga iba pa ay ligtas. Pero, ang kalagayan ng mga 290 Filipino workers sa Haiti ay hindi nalalaman hanggang sa kasalukuyan.
Sa pagsisimula pa ng bagong taon, nararanasan natin uli ang ganitong kalamidad. Mga kaibigan, hindi tayong makakapunta sa Haiti para sa gawaing panaklolo, pero ang magagawa natin ay pagdarasal sa lahat ng mga mamamayan ng Haiti, Tsina, Pilipinas at iba pang bansa doon. Sana'y ligtas silang lahat!
Bago ipalabas ang artikulong ito, nabasa rin ko ang ulat hinggil sa pagganap ng lindol sa Mindanao. Pero ayon sa ulat, medyo mahina ang lindol na ito. Sana'y okey ang lahat ng mga kaibigan doon!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |