|
||||||||
|
||
Kilala rin ang Labazhou bilang lugaw ng walong yaman o "eight-treasure porridge" na tumutukoy sa maraming masustansiyang sangkap sa lugaw na ito. Ang tipikal na paraan ng paggawa nito ay ang sumusunod:
Una, magkakasabay-sabay na pakuluan ang malagkit, millet, glutinous millet, kastanyas at pinatuyong dates; pagkatapos, isama ang mani, almond, walnut, melon-seed meat, ibang mga pinatuyong prutas at brown sugar para hindi lamang mapasarap, kundi mapasustansiya ang lugaw. Puwede ring samahan ng red beans, kidney beans, pine nuts, lotus seeds, o anumang sangkap na masustansya o masarap. Kaya, puwede ring mahigit sa walo ang sangkap ng eight-treasure porridge. Sa katotohanan, hindi limitado ang mga sangkap na nagagamit sa lugaw na ito. Dito, ang walo ay simpleng nangangahulugan ng marami. Hindi kataka-takang itinuturing ito sa tradisyonal na medisinang Tsino na isang uri ng pagkaing pampalusog na nakakabuti, lalo na sa spleen, sikmura at dugo.
Ngayon, naging pangkaraniwang pagkain na ang resipeng ito para sa mga Tsino. Sa katunayan, ganoon kasarap ang lugaw na ito na hinahaluan ng mga makulay at matamis na sangkap kaya ang pagkain nito ay hindi na limitado sa ika-8 araw ng ika-12 lunar month lamang. Nakikita ng mga Tsino ang eight-treasure porridge sa mga palengke at na-eenjoy nila ito sa buong taon.
Hindi malaman kung sino ang naka-imbento ng resipeng ito. Pero, may isang bagay na sigurado--na noong sinaunang panahon pa ay meron nang ganitong lugaw.
Bukod sa nabanggit na matamis na eight-treasure porridge, may isa pang uri ng maalat na eight-treasure porridge. Ang mga sangkap nito ay, sa karaniwan, palay, glutinous rice, karot, gulay, peanut, tofu, taros, fungus at iba pa at halinhan ng kaunting asin ang asukal.
Ang eight-treasure porridge ay unang nakilala sa Tsina sa panahon ng Song Dynasty noong mahigit 900 taon na ang nakararaan. Ayon sa nakasulat na rekord, ini-oofer daw ng malalaking Buddhist temple ang lugaw na hinahaluan ng ibang mga pampalasa sa araw na iyon upang maipakita ang kanilang pananampalataya sa Buddha. Sa Ming Dynasty noong 500 taon na ang nakalipas, naging isang banal na pagkain ang eight-treasure porridge at ibinibigay ito ng mga emperador sa kanilang mga opisyal sa panahon ng kapistahan. Samantalang natatamo nito ang mga popularidad sa feudal upper class, mabilis naging popular din ito sa buong bansa.
Mga kaibigan, medyo mahirap para ihanda ang mga sangkap ng Laba Zhou o eight-treasure porridge, pero kung posible, maaaring subukin ang masarap na lugaw na ito at ito ay mabuti sa inyong kalusugan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |