Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ANO ANG SINASABI NILA HINGGIL SA NPC AT CPPCC?

(GMT+08:00) 2010-03-09 17:12:56       CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa programang Dear Seksiyong Filipino 2010.

Ngayong gabi, tutunghayan natin ang mga iba pang pahayag ng mga tagapakinig hinggil sa NPC at CPPCC. Hindi nabigyang-daan ang mga pahayag na ito noong nakaraan dahil sa kakapusan sa oras.

Pero bago ang mga iyan, gusto ko munang samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan iyong mga tagapakinig na tumunghay ng aming live on-line coverage ng seremonya ng pagbubukas ng NPC at nagpadala ng mga mensaheng pambati sa pagbubukas ng Kongreso. Gusto kong sabihin sa inyo na ina-appreciate namin highly ang inyong pag-uukol ng panahon sa coverage na ito at inyong pagpapahalaga sa mga sesyon ng NPC at CPPCC.

Okay... Sa pag-uusap namin sa telepono, tinanong ko si Pete Figueras ng Dubai kung ano ang pagkakakilala niya sa NPC ng Tsina. Sinabi niya:

Si Pete ay human resources manager ng isang pribadong kumpanya sa United Arab Emirates.

Sabi naman ni Butch Pangilinan ng Subic Bay Port Authority, ang NPC at CPPCC ay lihim na hinahangaan ng mga mamamayan ng ibang bansa dahil alam nila na ang dalawang ito ay tunay na kumakatawan sa lehitimong interes ng Tsina...

Si Butch ay isang security officer na nakatalaga sa Subic Bay Port sa Zambales.

Naniniwala naman si Roselle Lim ng San Andres na malaki ang magagawa ng NPC para ma-address ang mga isyung tulad ng world financial reform, environment, at food safety and security.

Si Roselle ay sales agent ng Avon products.

Ganito naman ang pahayag ni Kolin Ancheta ng Paco, Manila:

Si Kolin ay isang mag-aaral ng Lyceum University of Manila.

Maraming-maraming salamat sa inyo, Pete, Butch, Roselle at Kolin.

Ngayon, tunghayan naman natin ang mga e-mail...

Sabi ni Dr. George Medina ng : "Ramon, medyo nahuli itong mensahe ko para sa National People's Congress. Ihabol mo na lang ang bati ko. Alam mo, may sentimyento ako sa Kongreso na ito kasi they really mean business. Hindi na nila hinahaluan ng pulitika ang kanilang mga talakayan at maganda ang pagpi-prioritize nila ng mga issues. Inuuna nila ang mga isyu na dapat unahin at sinisiguro nila na ang mayorya ang makikinabang sa kanilang legislation dahil sa malawak na scope ng kanilang consultation. Masuwerte na rin ang mga mamamayan ng China sa pagkakaroon ng ganito ka-efficient na lawmakers."

Salamat, Dr. George.

Sabi naman ni Romulo ng Romulo_deMesa@yahoo.com>: "Alam mo, Ka Ramon, dapat magpasalamat ang mga Chinese dahil nabiyayaan sila ng magagaling at tapat na mga kongresista. Ang mga kongresista na ito ay malayo sa mga kongresista natin na ang inaatupag ay ang pagpo-promote ng agenda ng kani-kanilang partido, bukod pa sa kanilang pansariling agenda at kanilang mga political ambition. Palagay ko tama ang sinasabi ng isa ninyong matalinong listener. Sabi niya, iyong Kongreso daw ng China ay Congress of the people and for the people."

Thank you so much, Pareng Mulong.

Ngayon, tunghayan naman natin ang text messages...

Sabi ng 919 648 1939: "maraming successes ang china and it follows na sa bawat success nito, naroon ang npc at cppcc."

Sabi naman ni Techie Villaruel ng Singapore: "Totoo ang sabi ng inyong mga balita. Talagang inaabangan ng press all over the world ang pagbubukas ng NPC at CPPCC."

Sabi naman ng 906 522 9981: "maraming lihim na tagahanga ang NPC at CPPCC. Sila yung matatawag na silent majority. Kasama ako dun."

Imagine kung ilang libo ang magko-kober ng NPC at CPPCC sessions. Lakas talaga dating sa mga tao.

Maraming salamat sa inyong mga mensahe.

At diyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>