|
||||||||
|
||
Helo, mga kaibigan, nanood ba kayo ng labang iyon kahapon ng tanghali? Alam ninyong aling laban ang nabanggit ko. Oo siyembre, ang laban ng pagdepensa ng korona ni Manny "Pacman" Pacquiao, WBO welterweight champion at pinakadakila at pinakasikat na Filipino boxer. Sa labang idinaos kahapon ng tanghali sa Dallas, tinalo ni Pacquiao ang Ghanaian fighter na si Joshua Clottey pagkatapos ng 12 round batay sa scorecards: 120-108, 119-109 at 119-109. Sayang, hindi KO!
Nanood din ako ng labang iyon sa China Central Television sports channel. Talagang isang mahirap na laban. Bagama't dominado ni Pacquiao ang laban, mahirap niyang napaglagusan ang depensa ng kanyang kalaban at nagsilbing-banta naman sa kanya ang upper cut ni Clottey. After all, nanalo si Pacquiao. Bumati sa kanya!
Ayon sa anchorman ng CCTV, ang viewership rate ng labang iyon sa Pilipinas ay lumampas sa 95%. Sana'y hindi nakaapekto sa inyo ang rotational brownout.
Sa ilalim ay ang ilang kuhang-larawan ng labang iyon. Ano ang masasabi ninyo hinggil sa laban? Pakisulat sa comment area!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |