Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

GABI NG MUSIKA March 13, 2010

(GMT+08:00) 2010-03-18 11:08:23       CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Meron uli tayong ilang quotations dito.

Sabi ng 906 201 1704: "Love and humility are totally inseparable. You cannot have real love without real humility."

Sabi naman ng 918 730 5080: "Ang mapagkunwaring luha ay nakakasakit ng kapuwa. Ang mapagkunwaring ngiti, nakakasakit ng sarili."

Sabi naman ng 928 001 4204: "Loving those who love you is fair, but loving your enemies is perfect."

Narinig ninyo si Dao Lang na nagbubukas ng ating palatuntunan sa awiting "A Song for a Drink ang Toast," na hango sa kanyang album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang mga mensahe nina Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Navotas at Bernie Cameo ng Far Eastern University.

Sabi ni Librada: "Sana, aside from economic issues sa loob at labas ng bansa, i-take up din nila sa NPC iyong issue ng kababaihan. Dapat lawakan ang kanilang karapatan sa pamamahala."

Sabi naman ni Bernie: "Kuya RJ, siguro talaga lang nakatutok ang Chinese Congress sa mga issues at walang personalan kaya mabilis trabaho nila."

Salamat sa inyo.

"I Want to Hug You." Iyan ang pamagat ng awiting iyan na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long. Iyan ay hango sa album na pinamagatang "You are My Rose."

Sabi ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Kumusta, Kuya Mon? Pagkatapos ng Haiti, Taiwan; pagkatapos ng Taiwan, Japan; pagkatapos ng Japan, Chile; at pagkatapos ng Chile, Turkey. Ano ba iyan?"

Sabi naman ni Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Hi, Kuya! Okay ka ba? Habang binabaha ang Melbourne, Australia, tinutuyo naman ang Pinas. Sana, umulan na."

Salamat sa inyo, KC at Marivic.

Nan Quan Mama sa awiting "Mudan River," na buhat sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Sabi ni Myrna Calayco ng Kowloon, Hong Kong: "Kuya RJ, strange things are taking place around us. Naaapektuhan ng mga ito ang mga tao. Bakit? Kasi marami na ring weirdo."

Sabi naman ni Jovy Ventura ng Bataan General Hospital: "Kuya Ramon, okay yung segment ninyo hinggil sa opening ng NPC. It came to us loud and clear."

Thank you sa inyong messages.

Iyan naman si Bandari sa kanyang tugtuging "Wind of Change," na hango sa album na pinamagatang "Wonderland."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>