|
||||||||
|
||
Ni hao ma? Kumusta na kayo?
Nagpapasalamat si Masami Shigematsu ng Kahilom, Pandacan. Sabi niya: "Salamat, Kuya Ramon. Narinig ko na binasa mo ang message ko sa last episode ng Gabi ng Musika. Ang lakas ko pala sa iyo. Thank you, thank you, thank you, super RJ!"
Walang anuman, Masami. Ngayon mo lang nalaman na malakas ka sa akin? Ako lang naman ang mahina sa iyo, eh.
Iyan si Jacky Cheung sa kanyang awiting "Everybody," na lifted sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang mga SMS nina Rolly ng Guadalupe, Makati City at Lagrimas Ramos ng New Territories, Hong Kong.
Sabi ni Rolly: "Salamat, kuya RJ sa replies mo sa aking SMS at emails. Salamat din sa souvenir items. Most of all, salamat sa iyong words of wisdom. I was inspired and encouraged by your words. Lagi kitang pinakikinggan tuwing 7:30 ng gabi sa 12.110 MgHz. Malinaw naman signal lalo pa't malakas ang ginagamit ko ngayong radio set. Binili ko ito talaga para sa inyong short-wave programs."
Sabi naman ni Lagrimas: "Noon, bumati ako sa opening ng NPC. Ngayon, bumabati ako sa closing. Sana no stone was left unturned. More power sa lahat ng lawmakers!"
Hotdog at ang isa sa pinasikat nilang awiting "Langit na Naman." Ang track na iyan ay mula sa album na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."
May nagtatanong kung ano ang lagay ng panahon dito sa Beijing ngayon. Alam niyo, pabagu-bago ang klima ngayon dito sa Beijing. Iinit-lalamig. Last Sunday, nakaranas kami ng snow. Makapal din, ah. Akala namin hindi na mag-i-snow kasi officially spring na, eh. Unexpected iyan. Siguro epekto na rin ng climate change.
Tunghayan natin ang mga e-mail nina Lilibeth ng Polytechnique University of the Philippines at Blanca Cabral ng R. R. Landon Extension, Cebu City.
Sbi ni Lilibeth: "Binasa ko ang account ninyo ng opening ng NPC. Maayos at malinaw naman. Mahirap din pala ang trabaho ng inyong Kongreso at mabigat din ang pananagutan sa bayan. In a way, hanga na rin ako sa kanilang systematic na pagtatrabaho. Pagka ganun kasi, walang nasasayang na oras. Binabati ko ang mga representatives sa pagtatapos ng kanilang yearly meeting. Thank you, Lilibeth.
Sabi naman ni Blanca: "May point iyong balita ninyo na iyong mga bansang niyanig ng lindol nitong mga nagdaang linggo at buwan ay talaga lamang nakakaranas ng ganito kasi sakop sila ng seismic zone. Siguro, ang pinakamaganda lang na magagawa nila ay maging alerto all the time."
Salamat din sa iyo, Blanca. Korek na korek ka diyan.
Mula sa album na pinamagatang November's Chopin 11, iyan ang awiting "Black Sweater," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jay Chou.
Kumusta kay Dr. George Medina ng Sabi niya sa kanyang e-mail: "Ramon, ipinagmamalaki kita sa mga kasamahan ko sa academe at sa aming society. Alam ko kung ano ang ginagawa mo diyan at kung paano mo pinaglalapit ang mga Pilipino at Chinese at mga Pilipino sa Pinas at Pilipino sa ibayong dagat. Lahat kami ay sumusuporta sa iyo."
Salamat po, Dr. George. Salamat, talaga.
Dao Lang sa kanyang awiting "The Night on the Grassland," na lifted sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |