Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

GABI NG MUSIKA Ika-3 2010

(GMT+08:00) 2010-04-16 19:44:40       CRI

Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng Easter greetings na ang karamihan ay may kasama pang passages from the Bible. Itong mga pangungusap na ito mula sa banal na kasulatan ay malaking encouragement doon sa mga nalilito, nasisiphayo at nawawalan ng pag-asa. Siguro wala nang makahihigit sa mga pangungusap na ito kung inspiration din lang ang pag-uusapan.

Salamat din sa mga kababayan dito sa Beijing na nagpadala ng chocolate bars at novelty items noong Easter Sunday. May God love you all!

Narinig ninyo ang masiglang tugtuging "Love's Theme," na nagsisilbing theme music ng programang "The Love Boat." Ang tugtuging iyan ni Barry White ay lifted sa album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si RJ ang inyong loving DJ.

Bigyang-daan natin iyong mga sinasabi ko kaninang Easter messages.

Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "God so loved the world that He gave his only Son, Jesus Christ, to give us an everlasting life. Happy Easter, Kuya RJ!

Sabi naman ni Ebeth ng mistyeyed119@ymail.com: "He has come, He has risen, and He has come again. Wipe away our tears. Rejoice! Happy Easter!"

Sabi naman ni Menchu ng manuelakierrulf@ymail.com: "Ngayon ay araw ng pagsasaya! No more sadness. No more tears. Masayang Pasko ng Pagkabuhay!"

Sabi naman ni Manny ng many_feria@yahoo.com: "He gave His all to give us life. Magsaya tayo sa Pasko ng Pagkabuhay!"

Salamat sa inyong mga mensahe.

Iyan…Jacky Cheung sa kanyang awiting "The Taste," na mula sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"

Ituloy natin ang pagbasa ng mga SMS.

Sabi ng 928 442 0119: "Kuya RJ, I wish you a Happy Easter. I hope and pray that you may always be in God's grace."

Sabi ni Ronnalyn ng Chaoyang, Beijing: "Pasko ng pagkabuhay na, Kuya RJ. Sana sincere iyong mga nag-retreat at nag-confess during the holy days. Sana nagkaroon ng real change sa buhay nila."

Sabi naman ni Janice ng Beijing, China: "Pagmamahal sa kapuwa should always be the theme of Holy Week."

Maraming salamat sa inyong mga SMS. God bless.

Mula sa album na may pamagat na November's Chopin 11, iyan ang awiting "Moving," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jay Chou.

Tunghayan natin ang iba pang mga SMS.

Sabi ni Marisher ng Sta. Ana: "Happy Easter, Kuya RJ! Sana, kahit wala ka sa Pinas, nagagawa mo pa rin ang Sunday obligations mo. Naniniwala ako na God is always on your side. Ingat lang lagi.

Sabi naman ng 910 611 8423: "Iyong mga ibang kababayan natin ginagawang holiday at hindi holy day ang mahal na araw. Nagpupunta sila sa mga beaches para lumangoy at magpakasaya sa panahon ng kuwaresma. Iba na talaga ang panahon, kuya."

Sabi naman ng 917 563 1184: "Happy Easter, Kuya Mhon. Sana ma-experience mo diyan yung concelebrated Easter Mass na ginagawa dito sa atin sa gabi ng Sabado de Gloria. Very touching, di ba?"

Iyan naman ang Simon and Gurfunkle sa awiting "Bridge over Troubled Water," na hango sa album na pinamagatang "The Definitive."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>