Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

GABI NG MUSIKA Ika-4 2010

(GMT+08:00) 2010-04-23 15:53:47       CRI

Isinahimpapawid noong ika-27 ng Marso

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Happy Easter sa inyong lahat, lalong lalo na sa inyo diyan sa San Andres, Paco, Pandacan, at Punta, Sta. Ana. Alam ko na meron kayong "Find the Easter Egg Contest." Hihintayin ko ang resulta.

Sabi ko na sa inyo talagang nakakaloka ang lagay ng panahon, eh. Last Tusesday, inulan kami rito sa Beijing. Hindi malakas pero tumagal maghapon at malamig ang paligid. Very unusual iyan sa panahon ng spring. Dapat pag ganitong spring e maganda na ang klima. Ano ba iyan...

Marinig ninyo si Jamie Rivera na nagbubukas ng ating munting palatuntunan sa awiting "Jubilee Song," na lifted sa album na may pamagat na "Jubilaeum 2000: In the Fullness of Time."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si RJ ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang mga mensahe nina Bernie Cameo ng Far Eastern University at Rio Nobleza ng Tanauan City, Batangas.

Sabi ng una: "Dear Kuya Ramon, many, many thanks for your help and for everything. Habang ipinagdiriwang natin ang Lenten season, nagdarasal ako sa Kanya sa itaas na ilapit ka niya sa kanyang puso para manatili ka sa kanyang pagpapala sa lahat ng sandali."

Sabi naman ng pangalawa: "Sana Kuya Mhon, kahit man lang sa Kuwaresma ay matigil muna ang mga karahasan at mga teroristikong aksiyon na tulad ng naganap sa Russia at paulit-ulit na nagaganap sa iba pang bansa. Iyan ang buong taimtim na dasal ko ngayong Lenten season. Bakit mas pinipili pa nila ang pagdanak ng dugo samantalang puwede naman silang maupo at mag-usap-usap."

Salamat sa inyong mga mensahe.

Oo nga naman. Kung puwede namang pag-usapan bakit dadaanin sa pag-aawayan.

Mula sa album na may pamagat na "Legendary," iyan ang awiting "For You," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni John Denver.

Sabi ng bahagi ng liham ni Maricar Mendoza ng Cebu City, Philippines: "Kung ako ang tatanungin, para sa akin, dapat tayong magbalik sa kinagisnan nating paraan ng pagdiriwang ng Mahal na Araw. Kahit nagbabago ang istilo ng ating pamumuhay at kahit nagiging makabago ang lahat n gating mga gamit at kasangkapan, pagdating sa mahal na araw, iyong tradisyonal na paraan ang gamitin natin. Hindi ito dapat baguhin ayon sa ating convenience.

Salamat sa iyo, Maricar.

Sabi naman ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan: "Sana sa pagbibisita-Iglesya, pagiistasyon, pagrorosaryo at pagninilay-nilay ng ating mga kababayan, sumagi naman sa kanilang mga alaala ang mga nasawi at nasaktan sa pagsabog sa istasyon ng tren sa Moscow at iyong 1.3 million na Haitians na nawalan ng bahay sa naganap na lindol noong January 12 at yung mga namatay din sa lindol sa Chile. Samantalahin natin ang pagkakataong ito ng pages-celebrate ng Easter para ipagdasal sila.

Salamat din sa iyo, Fely.

Mula naman sa "Miracles: The Holiday" album, iyan si Kenny G. sa tugtuging "Silhouette."

Punta naman tayo sa mga mensaheng SMS

Sabi ng 0049 242 188 210: "A blessed and peaceful Lenten season sa lahat ng mga kaibigan at mga kababayan sa China at elsewhere!"

Sabi naman ng 0041 787 882 084: "Kuya Mhon, kasama ka na rin sa aking pagiistasyon, pagbibisita-Iglesiya at pagrorosaryo. Sumaiyo ang kapayapaan ng Panginoon.

Sabi naman ng 919 648 1939: "Kuya RJ, you are so great and so good that you served as our role model in our retreat.

Sabi naman ng 0086 1352 023 4755: "Sana mangibabaw na ang kapayapaan at katahimikan sa mundo. Let peace begin in our hearts. Happy Easter, loving DJ."

Sabi naman ng 919 302 3333: "Happy Easter, Kuya RJ! Happy Easter sa Gabi ng Musika! Happy Easter sa Filipino Service, CRI at China!"

Maraming salamat sa inyong touching messages.

Narinig ninyo ang malamig na tugtuging "Mac the Knife" ni Barney Wilen. Ang track na iyan ay kabilang sa album na pinamagatang "Twilight Jazz Ballad."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edisyon sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si RJ. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>