Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makulay na Vietnam Pavilion sa SWE

(GMT+08:00) 2010-05-11 16:58:39       CRI

Sinimulang pormal na makatanggap ng mga panauhing Tsino't dayuhan ang 2010 Shanghai World Expo. Bilang isa sa mga kalahok sa kasalukuyang ekspo, pinahahalagahan ng pamahalaang Biyetnamese ang gawain ng paglahok dito at puspusang itinatag ang katangi-tanging Vietnam Pavilion.

Pagpasok ng Vietnam Pavilion, makikita ninyo ang asul na dagat at langit at luntiang bundok at kawayan. Ang kawayan ay tampok ng Vietnam Pavilion sa Shanghai World Expo at lipos ng katangiang kultural ng Biyetnam ang ideya ng pagdidisenyo ng pabilyon. Ang pader na panlabas nito ay parang isang ilog na binubuo ng mga kawayan, at ang "kawayang ilog" ay makakabuti sa pagbabawas ng init na dulot ng sikat ng araw. Kaugnay nito, isinalaysay ni Pham Trong Nghia, punong tagapagdisenyo ng Vietnam Pavilion na,

"Ang tema ng kasalukuyang World Expo ay 'Better City, Better Life', ito rin ang dahilan ng pagpili namin ng kawayan bilang pangunahing materyal ng Vietnam Pavilion, dahil ang kawayan ay isang green material na maaaring humalili sa bakal, asero, kahoy at iba pang di-ekolohikal na materyal, bagay na angkop sa tema ng Shanghai World Expo."

Nasa sonang A ng World Expo Park ang Vietnam Pavilion at 1000 metro kuwadrado ang saklaw nito. Sinabi ni Tran Van Tan, puno ng Vietnam Pavilion na lubos na gagamitin ng kanyang pabilyon ang multimedia measure para isalaysay ang kasaysayan, kasalukuyan at kinabukasan ng Hanoi, katangi-tanging kultura ng Biyetnam at may-harmonyang pamumuhay ng mga mamamayang Biyetnamese. Sinabi niya na,

"Unang una, umaasa kaming ipapakita ang may-harmonyang pakikipamuhayan ng modernong sibilisadong pamumuhay at kalikasan, ito ang isyung dapat pahalagahan ng Biyetnam, maging ng buong daigdig, kaya idinisenyo namin ang isang pabilyong nagtatampok ng kawayan. Ika-2, ididispley namin ang tatlong sentrong kultural sa Biyetnam, alalaong baga'y Dong Son bronze drum cultural centre sa hilagang Biyetnam, Sa Quynh cultural centre sa gitna at OCEO cultural centre sa timog."

Ang kasalukuyang taon ay ika-sanlibong anibersaryo ng pagkakatatag ng lunsod ng Hanoi, kabisera ng Biyetnam. Ang Hanoi ay tinawag na "Thanglong" noong nakaraan, kaya ang tema ng Vietnam Pavilion ay "1000 years Thanglong-Hanoi". Bukod sa pagtataguyod ng makukulay na aktibidad sa loob ng Biyetnam bilang pagdiriwang sa okasyong ito, ididispley ng Biyetnam ang serye ng tanghal at palabas sa pamamagitan ng plataporma ng Shanghai World Expo para isalaysay sa buong daigdig ang klasikal at modernong katangian ng Hanoi. Ang Setyembre dos ay National Day ng Biyetnam at itinuturing ang araw na ito na "araw ng Vietnam Pavilion". Kaugnay nito, isinalaysay ni Ginoong Tran Van Tan na,

"Upang ipagdiwang sa ika-sanlibong anibersaryo ng pagkakatatag ng lunsod ng Hanoi, itatanghal namin ang serye ng mahahalagang bagay, lalong lalo na, ang isang stele na may imiukitang karekter na nagsasaad na 'ang talento ay batayan ng isang bansa'. Ang talento ay paunang kondisyon para sa pag-unlad ng anumang bansa."

Sinabi ni Ginoong Tran na sa Shanghai World Expo, ididispley ng national art troupe ng Biyetnam ang iba't ibang tradisyonal na palabas na may katangiang Biyetnamese sa mga bisita. Kaugnay nito, isinalaysay ni Nguyen Hoang Yen, mananayaw ng art troupe na,

"Mag-per-performance ako sa water puppy show, ito ang isa sa mga palabas na pansining na may katangiang Biyetnamese at nag-insayo kami nang halos isang taon para sa palabas na ito, datapuwa't pagod na pagod kami sa pag-iinsayo, buong lugod pa rin kami nagpapakita ng trandisyonal na kultura ng Biyetnam sa Shanghai World Expo para malaman ng mga bisita mula sa apat na sulok ng daigdig ang kultura ng aming bansa."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>