Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ng Cambodia Pavilion sa SWE

(GMT+08:00) 2010-05-18 17:02:24       CRI

Noong Mayo Uno ng taong ito, pormal na binuksan ang Cambodia Pavilion sa Shanghai World Expo. Nitong nakalipas na ilang araw, masiglang masigla sa pagbisita sa pabilyong ito ang mga bisitang Tsino't dayuhan.

Nang mabanggit ang Kambodya, laging sumasagi sa isip ninyo, marahil, ang dakilang dinastiyang Angkor at maluningning na arkitekturang iniwan nito—Angkor Wat. Pero ito ang isang bahagi lamang ng Kambodya. Ang Cambodia Pavilion sa Shanghai World Expo ay nagkakaloob ng isang pagkakataon sa mga mamamayan sa buong daigdig para ibayo pang malaman ang naturang sibilisadong bansa na may mahabang kasaysayan, nakaranas ng iba't ibang kahirapan at nananabik sa kaunlaran.

Bilang isang umuunlad na bansa, mahirap ang Kambodya na magtayo nang nagsasarili ng pabilyon sa World Expo. Sa seremonya ng pagbubukas ng Cambodia Pavilion, sinabi ni Ginoong Cham Prasidh, ministro ng mga suliranin ng estado at ministro ng komersyo ng Kambodya na,

"Noong 2006, sinimulang isagawa ng Kambodya ang gawaing preparatoryo sa paglahok sa Shanghai World Expo. Nitong nakalipas na ilang taon, nagtipid kami ng budyet para itatag ang Cambodia Pavilion. At salamat sa puspusang pagkatig at pagtulong ng panig Tsino sa amin sa mga aspektong gaya ng gastos sa pagkain, transportasyon at paghahatid ng mga materyal, naitatag sa wakas ang Cambodia Pavilion."

Kumpara sa ibang pabilyon sa kasalukuyang ekspo, medyo simple ang Cambodia Pavilion. Ang pader na panlabas nito ay pinalamutihan ng larawan ng Angkor Thom, Prasat Bayon Temple at Phom Penh Palace, mga pinakakilalang tourist spots ng Kambodya. Ang buong pader na panlabas ay parang nasa orihinal na kagubatan na nagtatampok sa pangangalaga sa kapaligiran. Isinalaysay ni Ginoong Cham Prasidh na,

"Sa pamamagitan ng pagbisita sa Cambodia Pavilion, malalaman ng mga bisita ang katalinuhan, lalong lalo na, katalinuhan sa aspekto ng arkitektura, ng ninuno ng Kambodya. Bukod dito, makikita ninyo sa Cambodia Pavilion ang iba't ibang uri ng palabas na pansining at fashion show sa iba't ibang panahon, ididispley ng mga palabas ang kultura ng Kambodya sa magkakaibang panahon."

Nabighani ang mga bisita mula sa apat na sulok ng daigdig sa mahiwagang Kambodya. Pagkaraang bumisita sa Cambodia Pavilion, sinabi ng isang Chinese American na nakatira sa Shanghai nang halos 10 taon na,

"Gusto ko ang Cambodia Pavilion at nabighani ako ng mga itinatanghal na istatuwa ng Buda, porselana, kagamitang pilak at dragon boat sa loob ng pabilyon. Nalaman nang mas marami ko ang kultura ng Kambodya at umaasa akong maglalakbay sa Kambodya at bibisita sa mga templo at istatuwa ng buda doon."

Intersadong-intersado naman sa Cambodia Pavilion ang kanyang 5-taong gulang na anak na babae.

"Gusto ko ang mga itinatanghal sa loob ng pabilyon at intersadong-intersado rin ako sa ganitong kultura."

Ang pandaigdig na krisis na pinansyal ay nagdulot ng malaking impakto sa Kambodya, pero hindi nakakaapekto ito sa turismo nito. Nang mabanggit ang pag-unlad ng Kambodya sa hinaharap, optimistiko si Ginoong Cham Prasidh,

"Walang duda, ang krisis na pinansyal ay nakakaapekto sa kabuhayan ng Kambodya, pero tinayang lalampas sa 4.5% ang paglaki ng kabuhayan namin sa taong ito. Kasabay nito, ibayo pang pasisiglahin ng World Expo ang turismo ng Kambodya."

Ibig sabihin, ang World Expo ay nagkaloob ng isang plataporma para sa Kambodya at ididispley ng Kambodya sa abot ng makakaya ang kaakit-akit na katangian nito, ito ang tunay na katuturan ng World Expo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>