|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-15 ng Mayo
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Inuulit ko na kung meron kayong bagay o mga bagay na gustong makita sa Shanghai World Expo o sa ating pavilion, iyong Philippine pavilion sa Shanghai World Expo, ipaalam lang ninyo sa amin at kukunan namin ng picture at ipi-feature sa aming website para sa inyong kasiyahan. Iteks ninyo sa 9212572397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com. Uulitin ko ko: 9212572397 kung sa SMS at filipino_section@yahoo.com kung sa e-mail.
Salamat nga pala, Sylvia, sa padala mong greeting card.
Iyan ang isa sa mga hinahangaan kong mang-aawit na Tsino, Jacky Cheung, sa kanyang awiting "The Taste," na lifted sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Gusto ko makita iba-ibang pavilions sa Shanghai World Expo. Meron bang pictures na available?"
Sabi naman ni Kate Ventura ng Pedro Gil, Paco, Manila: "Bigyan niyo naman ng snapshot iyong China Pavilion. Malaki raw at highly digitalized."
Sabi naman ni Divine, Divine Garcia ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Sana makunan niyo ng picture iyong mga staff members ng Philippine pavilion."
Salamat nang marami sa inyong mga mensahe.
Zhou Bichang sa kanyang awiting "Miss You So Much," na hango sa album na may pamagat na "Super Girls' Voice."
Mga SMS pa…
Sabi ni Gertrude ng Lunsod ng Kalookan: "Sana suportahan naman ng mga kababayan ang Philippine pavilion sa Shanghai. Kung hindi sila mangunguna, sino?"
Sabi naman ni Sheryl ng San Marcelino, Paco: "Gusto ko sanang matikman iyong mga pagkain sa pavilion. Libre daw. Wala lang akong pamasahe."
Sabi naman ni Lyn ng missu-beb@yahoo.com: "Narinig ko tungkol sa Kontra Gapi. Mahusay iyon. Sana piktiyuran ninyo."
Okay, salamat sa inyong mga mensahe.
Mula sa album na pinamagatang "November's Chopin 11," iyan ang awiting "Blue Windstone," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jay Chou.
Salamat, Mareng Gina (Mareng Gina ng Baclaran).
Sabi ng kanyang mensahe: "Pare, tatahi-tahimik lang ako pero all out support ako sa ating pavilion sa Shanghai World Expo. Kulang sa publicity ang pavilion na iyon, kaya hindi gaanong naririnig sa mga balita; pero, alam ko na malaki ang laban natin sa iba kung susubukin lang ng mga tao na puntahan ito. I am keeping my fingers crossed na magiging big success ang ating exhibits.
Iyan naman ang "Los Trangueros," na tinugtog nina Rey Cooder at Manuel Galban at hango sa album na may pamagat na "Mambo Sinuendo."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang abbreviated edition ng ating Gabi ng Musika para sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |