|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-22 ng Mayo
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Gusto ko makita iba-ibang pavilions sa SWE. Meron bang pictures na available?"
Sabi naman ni Kate Ventura ng Pedro Gil, Paco, Manila: "Bigyan niyo naman ng snapshot iyong China pavilion. Malaki raw at highly digitalized."
Sabi naman ni Divine Garcia ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Sana makunan ninyo ng picture iyong mga staff members ng Philippine pavilion."
Gusto kong ulitin dito na kung may bagay o mga bagay na gusto ninyong makita sa Shanghai World Expo o sa ating pavilion, iyong Philippine pavilion sa Shanghai World Expo, iteks ninyo sa amin sa 09212572397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com. Kukunan namin ito o ang mga ito ng picture at ipi-feature namin sa aming website para sa inyong kasiyahan.
Iyan, narinig ninyo ang tinig ni Guang Liang sa awiting "Heaven," na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang mga SMS.
Sabi ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Hi, Kuya Mhon! You sound fab last Saturday! Looking forward to more of this in your next Gabis."
Sabi naman ni Kate ng red_ford@yahoo.com: "gud am kuya rj! di ko alam yung sinasabi mong fire. where ba? alam ko tungkol sa ash sa euro zone."
Sabi naman ni Van G. ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya Mhon, abbreviated or not abbreviated, your programs sound right! Keep going!
Salamat sa inyong mga SMS.
Iyan naman ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Something Wild," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Mga SMS pa.
Sabi ni Fely B. ng Norzagaray, Bulacan: "Hi, Kuya Mhon! How is it going? Ganda mo palang kausap. Marami akong natututuhan tungkol sa China!
Sabi naman ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Kuya Mhon, maganda presentation mo last Friday at Friday before last. It's all about Shanghai Expo!"
Sabi naman ni Rio ng Tanauan City, Batangas: "Hey Mr. Gabi ng Musika, please one Barry Manilow for me. I-dedicate mo sa akin."
Salamat sa inyo.
Mula sa album na pinamagatang "Two Butterflies," iyan ang awiting "Jump, Jump, Jump" ni Pang Long.
Sabi ni Mel San Juan ng Ermita, Manila: "Kuya Mhon, bigyan mo naman ako ng CD ng 'The Love Boat.' Kursunada ko lang."
Sabi naman ni Mato ng Kahilom, Pandacan: "Kuya Ramon, kasama ako sa maraming nagmamalasakit sa iyo, kaya ingatz lagi."
Thanks sa SMS.
Iyan naman si Kenny G sa kaniyang version ng "Jasmine Flower." Ang tugtuging iyan ay lifted sa album na "Miracles: The Holiday."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang abbreviated edition ng ating Gabi ng Musika para sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |