|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-29 ng Mayo
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Ipinapaalala ko na kung gusto ninyong marinig ang full version ng program na ito, magpunta lang kayo sa aming website, filipino.cri.cn, tapos hanapin ninyo iyong mga blog. Pag nakita ninyo iyong mga blog, hanapin naman ninyo iyong blog ng inyong lingkod, Dear Kuya RJ, okay?
Thank you sa moral support, DR. George, Poska at Elisa. Alam niyo, talagang kailangan ng inyong loving DJ ang inyong reassurances at prayers. Thank you uli...
Narinig ninyo ang awiting "Orange-flavored Soda Water," na inawit ng Nan Quan Mama. Iyan ay lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., o kung gusto ninyo Kuya RJ, ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang SMS.
Sabi ni Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch: "You have regained you bearing. Maganda dating mo last night."
Sabi naman ni Plum Plum ng Philosophy and Letters Department, UST: "Philippine politics: they should learn to accept depeat, our politicians."
Sabi naman ni Judith ng Shunyi, Beijing, China: "Kuya, salang ka naman ng isang Chicago in your next Gabi ng Musika."
Sabi naman ni Bernie Cameo ng Far Eastern University: "Naintindihan ko why abbreviated ang Gabi ng Musika mo, kaya na worries."
Salamat sa inyong loving messages.
Hotdog at ang awiting "Miss Universe ng Buhay ko." Iyan ay hango sa album na "Hotdog's Greatest Hits."
Mga SMS pa.
Sabi ni Annie Tanchico ng IBM Peralta \ Quiapo, Manila: "Tama sinasabi ng inyong balita. Wala pa ring kasiguruhan takbo ng world economy. Malaking bagay nangyayari sa Greece."
Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "You need to reformat your blog, Kuya Mhon. It doesn't look and sound right!"
Sabi naman ni Mel ng Ermita, Manila: "Kuwentuhan mo naman kami ng happy days mo sa Beijing sa iyong blog!"
Sabi naman ni Elycia Tupaz ng Quirino Highway, Malate, Manila: "Natanggap ko na transistor radio mo. Na-claim ko yesterday. Thank you, loving DJ."
Thank you din. Salamat. Salamat sa inyong mga SMS.
Bago ko nga pala makalimutan, kung meron kayong bagay o mga bagay na gustong makita sa Shanghai World Expo o sa ating pavilion, sa Philippine pavilion sa nabanggit na expo, iteks lang ninyo sa amin sa 9212572397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com.
Kukunan namin ng picture ang bagay o mga bagay na iyan tapos ipi-feature namin sa aming website para sa inyong kasiyahan. Okay?
Luo Zhixiang sa awiting "The One for Me," na hango sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Tunghayan naman natin ang isang bahagi ng e-mail ni Lilibeth ng Polytechnic University of the Philippines. Sabi: "Hinihintay ko ang the very latest hinggil sa ating pavilion sa Shanghai. Sana makakita kami ng video ng mga activity sa loob nito. Noong isang araw, hundred thousand daw ang pumasok sa exposition area, pero hindi ko alam kung gaano karami ang pumasok sa Philippine pavilion. I-update niyo naman kami."
Thank you, Lilibeth, sa iyong e-mail. Hayaan mo't bibigyan namin kayo ng update hinggil sa ating pavilion every now and then.
Jay Chou, sa kaniyang awiting "Moving," na lifted sa album na pinamagatang "November's Chopin 11."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |