Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

GABI NG MUSIKA Ika-9 2010

(GMT+08:00) 2010-07-19 15:32:58       CRI

Isinahimpapawid noong Ika-19 ng Hunyo

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Salamat uli doon sa mga nagpadala ng mga mensaheng pambati para sa Dragon Boat Festival. Hindi ko ini-expect na maaalala ninyo ang araw na ito kasi hindi naman ito kasing popular ng Chinese New Year. Nakakatuwa naman. Mamaya, bibigyang-daan ko ang ilan sa mga mensaheng ito.

Nan Quan Mama at ang awiting "Eat the Fish that You Cooked," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Narito iyong mga sinasabi kong mga mensaheng pang-Dragon Boat Festival. Pasensiya na kayo, tapos na ang festival pero ngayon ko lang mababasa ang mga ito dahil Sabado lang ang programa natin.

Sabi ni Sarah ng AMA Computer College: "Happy Dragon Boat Day kay Kuya Ramon at sa Gabi ng Musika!"

Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Lahat kami dito sa M/V Aldavaran sabay-sabay na bumabati ng Happy Dragon Boat Festival!!!"

Sabi naman ni Min ng Sta. Ana, Manila: "Binabati ka naming lahat dito sa 4th District ng St. Anne ng masayang pagdiriwang ng Dragon Boat Festival. Sarap ng rou zong, ano?"

Sabi naman ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "May the Good Lord bless and keep you, Kuya Ramon. You are so good and so nice and so sweet. Enjoy the holiday!"

Sabi naman ni Rodel ng San Andres, Manila: "Maligayang bati sa inyong kapistahan, Ka Ramon--mula sa San Andres boys!"

Iyan naman si Dao Lang sa awiting "A Song for a Drink and Toast," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."

Mga bating pang-Dragon Boat Festival pa.

Sabi ni Janine ng Binakod, Makati City: "Greetings, Greetings, Greetings, Kuya Mhon! How is your celebration? Okay ba?"

Sabi naman ni Shawee ng Fangyuan, Beijing: "Happy Dragon Boat Fest, Kuya Mon. We love you and you alone, hahaha!"

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Cavite City, Philippines: "Ipinaaabot ko ang aking mataos na pagbati sa iyo, Kuya Mhon, at sa buong Seksiyong Filipino sa araw ng inyong kapistahan!"

Sabi naman ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Happy festivities, Kuya Mhon and everybody!"

Sabi naman ni Lyn ng Angeles City, Pampanga: "Happy Dragon Boat Festival, Kuya RJ! Sama ka ba sa karera ng bangka?"

Sabi naman ni Emmanuel Ty ng Binondo, Manila: "Masaya ang pagdiriwang ng Duan Wu Jie o Dragon Boat Festival sa Hong Kong, Taiwan, Macao o Singapore. Sa Junio 16 may mga paligsahan ng bangkang dragon."

Salamat din sa inyong mga mensahe. Talagang okay kayo.

"Little Light, Little Bright," inihatid sa ating masayang pakikinig ni Guang Liang. Iyan ay hango sa album na pinamagatang Michael Fairy Tale.

Punta naman tayo sa mga sagot sa Guessing Game.

Sabi ni Lyn ng Angeles City, Pampanga: "Ito, kuya, sagot ko sa guessing game: 1. Anniversary ng relation ng Philippines at China, 35th 2. Philippine pavilion 3. Performing cities."

Sabi naman ni Masami Shigematsu ng Kahilom, Pandacan: "Guessing Game: 35th anniversary ng Philippine-China relation / Philippine pavilion day / Performing cities."

Sabi naman ni Mulong: "Sagot sa inyong guessing game: anniversary, 35th, ng diplomatic relation ng Philippines at China. Araw ng Philippine pavilion. Performing cities."

Salamat sa pag-uukol ninyo ng panahon sa aming live on-line program.

Iyan naman si Kenny G sa kanyang malamig na tugtuging "Chengfu," na hango sa album na pinamagatang "Miracles: The Holiday."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating Gabi ng Musika, abbreviated edition, para sa araw na ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakiikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>