|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-26 ng Hunyo
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Ebeth Viola ng Switzerland, marami daw siyang napupulot na lessons sa mga binabasa kong SMS at e-mails. Sana raw haba-habaan ko pa ang oras ng Gabi ng Musika para mas marami daw akong mabasang SMS at sulat.
Thank you, Ebeth.
Alam mo, talagang gusto kong mabasa at one time iyong mga natatanggap naming SMS at e-mails, pero wala tayong magagawa sa oras. That's beyond my control. Anyway, thanks sa iyong appreciation. Sana hindi ka magsawa ng pakikinig sa amin.
Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang awiting "Langit Na Naman," na hango sa album na "Hotdog's Greatest Hits."
Tunghayan natin ang ilang SMS:
Sabi ng 9193339131: "Kuya Mhon, lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika. Enjoy ako kahit na ngayong abbreviated ito!"
Sabi naman ng 9173781478: "Kuya RJ, your voice makes me feel good. It makes my day right at makes me feel 10 feet tall."
Sabi naman ng 9187305080: "Kuya Mhon, salamat sa mga payong-kapatid. Salamat sa mga gifts at salamat sa prayers. You are truly great."
Sabi naman ng 9108716631: "Kuya Mhon, I really do appreciate the music that you play on air. Type ko ang mga tugtugin from 60's and 70's. Salamat sa Gabi ng Musika."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Luo Zhixiang at ang awiting "I Am Hypnotized," na lifted sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us."
Ituloy natin ang pagbasa ng mga mensaheng SMS.
Sabi ng 9175006641: "Maraming salamat sa tulong, kuya. Okay ka talaga! Hulog ka ng langit sa akin. God bless."
Sabi naman ng 9193023333: "Narinig ko on-line broadcast ninyo sa Shanghai, Kuya Mhon. Lalong nadagdagan paghanga ko sa iyo."
Sabi naman ng 9158075559: "Kuya Mhon, ikaw ang counterpart ni Dr. Love sa short-wave. Marami ka nun--marami kang love. Please stay as sweet as you are."
Maraming salamat din sa inyo.
Jacky Cheung at ang isa sa mga pinasikat niyang awiting "Are We Still in Love," na hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?" Iyan, punung puno ng love iyan.
Tunghayan naman natin ang ilang maiikling e-mail.
Sabi ni Augusta ng Cebu College of Commerce (Cebu Ciity): "Tulad ng mga iba ninyong tagapakinig, ina-appreciate ko rin ang inyong live program sa Shanghai. Mahusay kayo ni Ate Jade. Sana dalasan ninyo ito.
Salamat sa compliment, Augusta.
Sabi naman ni Fe Guevarra ng Tarlac, Tarlac: "Congratulations, Kuya Mhon, Ate Jade, sa inyong on-line program all the way from Shanghai. Manila sound ang dating."
Salamat din sa iyo, Fe.
Iyan naman ang Hotdog sa kanilang awiting "Miss Universe ng Buhay Ko," na lifted sa album na may pamagat na "Hotdog's Greatest Hits."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |