|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-3 ng Hulyo
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, natuloy na rin daw ang pagbubukas ng branch ng kanyang Chinese resto sa Dasmarinas, Cavite. Sana raw nandun ako sa pasinaya. Natikman ko raw sana iyong mga putaheng Tsino na natutuhan niya sa aming Cooking Show.
Okay lang iyon, mare. Ang mahalaga, natuloy ang pagbubukas. Binabati kita. Sana madagdagan pa nang madagdagan ang branches ng resto mo. Congratulations ang God bless, mare!
Narinig ninyo ang Nan Quan Mama na nagbubukas ng ating munting palatuntunan sa awiting "Disappear," na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang ilang araw.
Sabi ng 917 351 9951: "Tama sila, kuya. Ang Gabi ng Musika ay programang pampagana, pampagana sa pagtulog, sa pagkain, sa pagtatrabaho, sa pag-iisip at sa marami pang ibang bagay."
Sabi naman ng 919 651 1659: "Bukod sa Gabi ng Musika, pinakikinggan ko rin ang inyong mga balita. Naroon ka rin kasi. Di ko kayang hindi ka mapakinggan bawat araw. Parang hinahanap-hanap ko kaya."
Sabi naman ng 915 807 5559: "Kuya Mhon, napuntahan mo ba Philippine Pavilion natin sa Shanghai World Expo? Malaki ba ang floor area? Dinadagsa rin ba ng mga tao na tulad ng ibang pavilion? Hindi gaanong popular sa streamline media, ano?"
Sabi naman ng 917 401 3194: "Maganda kang kausap sa telepono, Kuya Mhon. Nabubuhayan ng loob ang iyong kausap. Sana lumakas pang lalo ang inyong mga programa at sana manatili ring malakas ang inyong pangangatawan."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Jay Chou at ang awiting "Evening Music," na hango sa album na may pamagat na "November's Chopin 11.
Bigyang-daan natin ang mahaba-habang SMS.
Sabi ng 930 589 1154: "Hi, Kuya RJ! Kumusta ka na? Sana ay okay ka pa rin katulad ng dati. Gusto ko sanang ipaalam sa iyo na lagi akong nakikinig gabi-gabi ng inyong napakaganda at makabuluhang programa sa radyo, ang Dear Seksiyong Filipino. Nagugustuhan ko rin pakinggan ang inyong Cooking Show. Medyo natuto na rin po akong magluto ng mga lutuing Tsino. May kakaunti rin akong natutuhan sa inyong programang Magsalita sa Wikang Tsino. Natutuwa din ako dahil ang pamangkin kong maliit ay marunong nang magsabi ng busog sa wikang Tsino. Napakaganda ng signal ng CRI Filipino Service dito sa amin sa Kalibu in these 2 frequencies: 12.110 MgHz and 11.700 MgHz.
Thanks sa pag-uukol mo ng panahon sa amin.
Iyan naman ang magandang awiting "You Are My Rose," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pang Long. Ang track na iyan ay hango sa album na may katulad na pamagat.
Meron ditong mga SMS ng pasasalamat.
Sabi ng 917 351 9951: "Salamat sa CD at iba pang mementoes. You should be admired for your kindness and thoughtfulness as well."
Sabi naman ng 919 651 1659: "Thanks sa iyong mga advice, Kuya Rams. Your words of wisdom mean a lot to me."
Sabi naman ng 920 950 2216: "Many, many thanks sa Gabi ng Musika, Dear Seksiyong Filipino at Cooking Show. Marami akong nahihita rito."
Walang anuman at salamat din.
Bandari at ang magandang tugtuging "Star of Baghdad," na hango sa album na pinamagatang "Star of Baghdad."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |