|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-10 ng Hulyo
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ng mga may kinalamang eksperto sa larangan ng kalusugan, ang isang paraan daw ng paglaban sa matinding init ng panahon ay iyong pag-inom ng konting tubig maya't maya. Hindi raw kailangang uminom nang marami nang minsanan. Iyong pakonti-konti lang pero maya't maya. Nasasabi ko ito dahil nararanasan ngayon sa iba't ibang bahagi ng mundo ang heat wave o sobrang taas ng temperatura. Pakinggan natin ang ipinapayo ng mga eksperto para maiwasan natin ang pagkakasakit. Mahirap na, eh. Ang mahal pa naman ng pagpapagamot ngayon.
Jacky Cheung sa awiting "The Taste," na hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Oh, makinig kayo, baka nandito iyong mga SMS ninyo.
Sabi ni Ara Mae ng Pandacan, Manila: "Hi! Kumusta ka na, Kuya Mon? Ingatz kang lagi. Kumakalat ngayon ang heat wave sa mundo. Huwag mo pabayaan katawan mo."
Sabi naman ni Patricia ng Kamuning, Quezon City: "Hi, Kuya RJ! Love na love ko Cooking Show at Gabi ng Musika mo! Thank you for giving us these programs."
Sabi naman ni Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Navotas: 'Mabuti pa ang Vietnam, Kuya Ramon, tatahi-tahimik lang pero lumalakas ang ekonomiya. Napakinggan ko balita mo.
Sabi naman ni Sarah Samudio ng AMA Computer College Makati: "Siyempre lahat ng bansa gustong maprotektahan kanilang seguridad."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Dao Lang sa awiting "Wonder of Xinjiang." Ang track na iyan ay mula sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
Mga SMS pa...
Sabi ni Dominic ng San Jose, del Monte, Bulacan: "Congratulations sa China at Singapore sa pagdiriwang nila ng kanilang relasyong diplomatiko."
Sabi naman ni Cindy ng Paz, Paco, Manila: "Kuya Mhon, malakas ang piso natin ngayon at malaki ang dollar reserve pero hindi nararamdaman ng karaniwang mamamayan."
Sabi naman ni Helen ng Bel-Air, Makati City: "Kuya RJ, matunog pangalan mo sa SW. Mukhang palaban ka sa ibang istasyon-- maski sa VOA."
Sabi naman ni Mato ng Pandacan: "Korek na korek ka, Kuya Ramon: ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik."
Nan Quan Mama at ang awiting "Dawn," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Tunghayan naman natin ang maikling e-mail ni Donna ng Davao City. Sabi: "Kuya Ramon, gusto ko lang ipaalam sa iyo na lagi kong pinakikinggan ang mga programa mong "Cooking Show," "Dear Seksiyong Filipino," at "Gabi ng Musika." Maganda ang dating dito sa lugar namin dito sa Davao City sa frequency na 7.180 mghz at 12.110 mghz. Hanggang kalian kaya magiging abbreviated ang iyong cooking show at gabi ng musika? Sana hindi na magtagal."
Thank you, Donna.
Iyan naman si Kenny G sa tugtuging "Jasmine Flower," na hango sa album na may pamagat na "Miracles: The Holiday."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon jr. Maraming maraming salamat sa inuyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |