Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-13 2010

(GMT+08:00) 2010-08-13 14:51:33       CRI

Isinahimpapawid noong Ika-17 ng Hulyo

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Meron tayong magandang balita rito. Wala na raw tumatagas na langis sa Gulf of Mexico. Successful daw iyong capping nila ng nasirang tubo. Inoobserbahan na lang daw kung hindi bibigay sa pressure. Let's keep our fingers crossed.

Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jolin Tsai sa awiting "Paradise," na lifted sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang SMS.

Sabi ng 0049 242 188 210: "Kuya Mhon, ano ba lagay ng panahon diyan?

Katatapos lang ng bagyo dito. Marami ring nadisgrasya. Talaga atang pasama nang pasama lagay ng kapaligiran natin."

Sabi naman ng 0041 787 882084: "Kuya Ramon, ina-appreciate kong lahat ang ginagawa mo para sa mga tagapakinig na tulad ko. Salamat sa mga programa. Salamat sa mga padala."

Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Pare, na-solve na rin ata finally iyong problema ng pagtagas ng langis sa Gulf of Mexico. Sana matapos na iyang disaster na iyan."

Nan Quan Mama at ang awiting "Former Ways," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Mga SMS pa.

Sabi ni Stephanie ng C. M. Recto, Quiapo, Manila: "Ano na ba ang latest sa Uganda at Haiti? Sa Haiti parang walang nakikitang pagbabago ang madla."

Sabi naman ni Judith ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Sana lahat ng bagyo lumihis at magpunta na lang sa dagat."

Sabi naman ni Ed Cordero ng United Paranaque: "Hi, Kuya Mhon! Mzta ba buhay-buhay diyan senyo? Ayos lang kami rito. Sana walang hazzle senyo jan."

Sabi naman ni Kathy ng AMA Computer College: "Pa-play naman ng 'Blue Moon' sa Gabi ng Musika, Kuya RJ."

Sabi naman ni Claire Santos ng Angeles City, Pampanga: "Kuya mhon, solved ako sa Gabi ng Musika last Saturday."

Zhou Bichang at ang awiting "Miss You So Much" na lifted sa album na pinamagatang "Supergirls' Voice."

Meron ditong e-mail si Meriam ng San Ildefonso, Bulacan: "Isa ako sa maraming tagahanga ng Cooking Show at Gabi ng Musika. Naganyak akong magluto ng Chinese food simula nang makapakinig ako sa inyong Cooking Show at natuto akong kumanta ng Chinese songs mula nang mapakinggan ko ang Gabi ng Musika. Naniniwala ako na darami pa ang battalion ng iyong mga tagahanga, dahil you are a loving DJ."

Salamat sa iyong e-mail, Meriam.

Rey Cooder at Manuel Galban, sa awiting "Bodas de Oro," na hango sa album na may pamagat na "Mambo Sinuendo."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition para sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>