|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-24 ng Hulyo
Magandang magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Mareng Gina ng Baclaran, nakikinig daw siya ng mga pinatutugtog kong Chinese songs sa Gabi ng Musika habang nagluluto siya ng isang Chinese recipe. Maganda raw ang kinalalabasan ng niluluto niyang putahe kung sumasabay siya ng pagkanta sa mga pinatutugtog kong awitin sa radyo.
Maraming maraming salamat, mare, pero hindi ka kaya nagbibiro?
Narinig ninyo ang malamig na tinig ni Guang Liang sa awiting "Fairy Tale," na hango sa album na may pamagat na "Michael Fairy Tale."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang ilang maiikling e-mail.
Sabi ni Divine G. ng Congressional Road, Proj. 8, QC: "Kuya Mhon, ipinagdarasal ko iyong libu-libong tao diyan na naging biktima ng malupit na pagtaas ng tubig dahil sa malakas na bagyo. Kasama silang lahat sa dasal ko para sa mga kababayan natin na kinakapos sa tubig."
Sabi naman ni Joan Sy ng Sta. Cruz, Manila: "Hi, Kuya RJ! Kumusta na? Totoo bang mainit diyan sa Beijing ngayon? Dito, nag-uulan na rin pero mainit pa rin. Isa pang problema, hindi sapat ang ulan kaya marami pa ring kapos sa tubig."
Sabi naman ni Roselle ng West Coast Way, Singapore: "Kuya Mhon, mas lalong gumanda ngayon signal ng CRI sa SW, kaya enjoy ako ng pakikinig sa Gabi ng Musika, Dear Seksiyong Filipino at Cooking Show. Makakaasa kayo ng 100 percent support from me."
Salamat sa inyo, Divine, Joan, at Roselle.
Iyan naman si Zhou Jielun sa awiting "Stranded," na hango sa album na pinamagatang "Broken Bridge."
Punta naman tayo sa mga SMS.
Sabi ni Malou ng Dasmarinas Village, Makati: "Hi, Kuya Mhon! Sana magluto naman kayo mamaya. Miss ko na lutong Chinese!"
Sabi naman ni Steph ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "You are so nice and sweet, Kuya RJ! No question about it.
Sabi naman ni Lara ng Shunyi, Beijing, China: "Sarap makinig ng Gabi ng Musika. Malinaw signal these days."
Sabi naman ni Techie ng West Coast Way, Singapore: "Kuya, ano ba ang temperature ngayon diyan sa Beijing? May oil spill daw sa China? Paki-eksplika!"
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Nan Quan Mama at ang awiting "Dawn," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
May mga SMS pa rito.
Sabi ng 918 730 5080: "Kuya Mhon, magandang gabi. Maganda ang Gabi ng Musika mo. Nakakarelax kung weekend. Sana dagdagan mo pa airing time para marami kang mapatugtog na music at maraming mabasang SMS."
Sabi naman ng 919 426 0570: "Kuya Ramon, mahusay kayo ni Ate Sissi sa pagdadala ng inyong mga programa. Lagi akong nakikinig sa Gabi ng Musika at Pop China."
Sabi naman ng 928 442 0119: "Happy ako, Kuya Mhon, dahil fully appreciated ang Gabi ng Musika, Cooking Show at Dear Seksiyong Filipino. Nae-experience namin ang China dahil sa mga programang ito. Ano pa ang hahanapin namin?
Salamat sa inyo.
Bandari at ang tugtuging "Annie's Wonderland," na lifted sa album na pinamagatang "Wonderland."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |