|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-31 ng Hulyo
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng baha dito sa Tsina. May God love you all! Tiyak na makakarating sa mga kinauukulan ang inyong mga mensahe...
Maalinsangan ngayon dito sa Beijing. Maalinsangang maalinsangan, kaya lalo kong nami-miss iyong halo-halo natin...
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Smiling Face," na inawit ni Pang Long at hango sa album na may pamagat na "You Are My Rose."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ni Bernie Cameo ng Far Eastern Universiy: "Kuya Ramon, ipinaaabot ko, sa pamamagitan ng mga programang Gabi ng Musika at Alam ba Ninyo, ang aking mataos na pakikiramay sa lahat ng mga nabiktima ng baha diyan sa China."
Sabi naman ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "Kuya RJ, condolence sa lahat ng mga pamilya at kaibigan na namatayan dahil sa pamatay na bagyo na nagdaan sa Tsina nitong ilang araw na lumipas."
Sabi naman ni Joselito ng Kamias, Quezon City: "Kuya Mhon, I'm sorry for the sad news na maraming namatay dahil sa pagbaha diyan sa inyo sa China at maraming nasaktan at nawalan ng bahay. Sana, lumihis muna iyong mga iba pang padating na unos."
Sabi naman ng 915 807 5559: "Gud am, Kuya Mhon. Ang lupit po ng bagyong dumaan diyan sa inyo. Maraming namatay, nasugatan at na-dislocate. I am conveying my sympathy."
Sabi naman ng 917 904 0154: "Alam ko na malalampasan din ng China ang dinaranas nitong problema dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyo. Subok na ang kakayahan ng China sa pagharap sa ganitong kalamidad."
Iyan naman ang awiting "Embrace of Joy," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Chen Jia Qi. Ang track na iyan ay hango sa album na "Super Girls' Voice."
Ituloy natin ang pagbasa ng mga SMS.
Sabi ni Poska ng Finland: "Oh, my, you sound swell last night, Kuya Mhon!"
Sabi naman ng 919 642 8830: "Kuya Mon, salamat sa pagbibigay mo sa amin ng magandang aral sa pamamagitan ng Gabi ng Musika. Iyong mga binabasa mong SMS at e-mail ay mga aral na dapat pulutin, di ba?"
Sabi naman ng 928 754 0133: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon. Lagi kong pinakikinggan ang programa mo tuwing Sabado. Pakiramdam ko parang merong kulang sa akin kung hindi ako makapakinig dito."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Nat King Cole at ang kanyang anak na si Natalie sa awiting "Unforgettable," na buhat sa album na may pamagat na "Closer: When Pop Meets Jazz."
Sabi ni Olivia ng Macabebe, Pampanga: "Kuya Mhon, salamat sa Cooking Show. Marami akong natutuhang Chinese recipes na napapakinabangan ko sa pang-araw-araw na paghahanda ko ng meal para sa pamilya ko. Naging pamilyar na rin sa akin ang bawat bar ng Chinese pop music since nang makinig ako sa Gabi ng Musika. Maraming salamat, talaga."
Sabi naman ng 0041 787 882 084: "Mabuhay ka, Kuya Ramon, at ang iyong Gabi ng Musika. Para sa akin, this program is a must. Di maaring di pakinggan, hihihi."
Dao Lang at ang kanyang "Camel Bell," na lifted sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |