|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-7 ng Agosto
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Salamat uli sa lahat ng mga nagpadala ng mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng baha dito sa Tsina. Talagang walang katapusan ang aming pasasalamat sa inyo. God love you all.
Salamat din sa iyo, Let Let, sa pagpo-promote mo ng aming website sa Europe. Hindi namin alam na ganyan pala kami kalakas sa iyo.
Salamat din sa inyo, Randolfh ng Baguio City, Rommel ng Kalibu, Aklan, at Jeffy ng Cebu, sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aming mga programa. Maraming-maraming salamat poh!
Hotdog, sa kanilang awiting "Pers Lab," na hango sa album na may pamagat na "Hotdog's Greatest Hits."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong mga nagdaang ilang araw.
Sabi ni Shawee ng Fangyuan, Beijing: "Let's also pray for the flood victims in Pakistan. Millions are displaced.
Sabi naman ni Rolly ng 3M Philippines: "Pareng Ramon, fully confident ako na maso-solve na ang isyu ng oil spill sa Gulf of Mexico--finally, ha?"
Sabi naman ni Mareng Gina ng Baclaran: "Pareng Ramon, bigyan mo pa nga ako ng additional info hinggil sa Filipino chef na si Mark."
Sabi naman ni Let Let ng Germany: "Kuya Ramon, nakikilala ka na rin sa Europe dahil sa iyong Cooking Show at Dear Seksiyong Filipino, kaya pagbutihin mo."
Salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Mula sa album na pinamagatang "Super Girls' Voice," iyan ang awiting "Beautiful Snow," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Pan Rong.
Ituloy pa natin ang pagbasa ng mga SMS.
Sabi ni Weng ng Bicol Region: "Hi, Kuya RJ! Kumusta ba buhay-buhay sa Beijing? Sana lagi kang safe and sound. We all luv you."
Sabi naman ni Nina ng Chaoyang Dist., Beijing: "Kuya Mhon, tuwang-tuwa ako sa Cooking Show mo. Tuwang-tuwa talaga."
Sabi naman ni Leggy ng New Territories, Hong Kong: "Kuya Ramon, salamat sa paghahatid mo sa amin ng mga balitang-China. Marami kaming nalalamang bagay hinggil sa Mainland China."
Sabi naman ni Ara Mae ng Pandacan, Manila: "Kuya Ramon, sa tingin ko, kayo ni Ate Sissi ang most popular sa air waves."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore: "Pareng Ramon, magsalang ka naman ng Barry Manilow sa Gabi ng Musika. Abang lang kami sa barko."
Sabi naman ni David ng San Ildefonso, Bulacan: "Kuya Ramon, natanggap ko na bookmarks at paper-cuts mo.
Thank you so much...
Iyan naman ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Something Wild," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Bigyang-daan natin ang dalawang mahaba-habang SMS.
Sabi ng 918 730 5080: "Lagi kong pinakikinggan ang Gabi ng Musika at Cooking Show mo. Napuna ko lang na masyadong maikli ang oras. Hindi ba ninyo ito puwedeng pahabain ng konti?"
Sabi naman ng 919 426 8570: "Ina-appreciate ko ang pagbibigay mo ng importansiya sa iyong mga tagapakinig. Talagang ibang-iba ka sa lahat. Take care and God bless."
Salamat sa inyo.
Iyan naman si Kenny G sa kanyang tugtuging "Going Home," na hango sa album na pinamagatang Miracles: The Holiday.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |