|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-14 ng Agosto
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Salamat sa lahat ng mga texter na nagpadala ng mga mensahe ng pakikiramay para sa mga biktima ng mudslides sa Lalawigan ng Gansu ng Tsina. Salamat sa 918 730 5080, 919 426 0570, 928 211 0629, 921 378 1478, 919 651 1659, 910 611 8423, 906 201 1184, 915 160 8843 at 919 204 4301. As of yesterday, ang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 1,114.
Salamat din kay Let Let Alunan sa kanyang constructive criticism ng aming News and Current Affairs at iba pang mga programa. Sana hindi ka magsawa ng pagbisita sa aming website at pagpapadala ng mga puna. Mainit naming tinatanggap ang iyong makabuluhan at kapakipakinabang na mga kritisismo.
Salamat din kina Ebeth, Poska, Dr. George at Caroline sa kanilang malasakit sa inyong abang lingkod.
Jacky Cheung, sa kanyang awiting "If You Love Me, Don't Go," na hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ng 906 522 9981: "Napakinggan ko Gabi ng Musika last Saturday. Narinig ko SMS ng isang kaibigan. Salamat sa paghahatid sa amin ng program na ito tuwing Saturday."
Sabi naman ng 921 348 2588: "Tama sinabi ni Ms. Ebeth. Talagang marami kaming napupulot na lesson at information sa inyong mga binabasang SMS at e-mail. God bless you and your program."
Sabi naman ng 910 921 7733: "Hello sa Gabi ng Musika mula sa Dx-ers ng Cebu City, Pilipinas! Mabuhay kayo, Kuya RJ! Mabuhay ang Serbisyo Filipino ng CRI!"
Thank you so much sa inyong text messages.
Iyan naman ang Nan Quan Mama sa kanilang awiting "Disappear," na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Sabi ni Poska ng Finland: "Kuya Mon, can you imagine, 14 million Pakistanis suffering because of floods. I couldn't imagine."
Sabi naman ni Leng ng Chaoyang District, Beijing: "At last, balik sa long version ang Gabi ng Musika at Cooking Show. Ma-update sana blog mo para mas interesting."
Sabi naman ni Vicky S. ng Carmona, Cavite: "Kuya Mon, habang nakikinig kami sa iyo, nakikinig ka rin sa amin. Magandang rapport, ano?"
Sabi naman ni Joan ng Lipa City, Batangas: "Kuya Mon, pinakikinggan ko balita mo araw-araw. Wala kang binabanggit tungkol sa Euro floods. Malalim daw tubig dun!"
Mula sa album na may pamagat na "You Can Listen and Sing with Us," iyan ang awiting "The One for Me," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Luo Zhixiang."
Sabi ni Mrs. Legazpi ng Cebu City: "Dear Ramon, we are very proud of you and the way you relate to your listeners. May God love you always."
Sabi naman ni Shaneil ng lil_zhane@yahoo.com: "Ganda talaga dating ng voice mo, Kuya Mhon. Humahagod, eh. Napakinggan ko mas mahabang version ng Gabi ng Musika. Holrayt na holrayt."
Sabi naman ni Mirasol ng Beijing, China: "Friendly audience + loving DJ = Filipino Service. Hehehe."
Sabi naman ni Ingrid ng Shunyi, Beijing, China: "Ano ba supper natin mamaya, Kuya Mon? How about repertoire for tomorrow?"
Sabi naman ni Linda ng Beijing, China: "Siguro wala nang tatalo sa China kung acrobatics ang pag-uusapan. Colorful at difficult executions."
Salamat sa inyong mga mensahe.
Iyan naman si Dao Lang sa awiting "The Night on the Grassland," na hango sa album na pinamagatang "The First Snow in 2002."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |