|
||||||||
|
||
Isinahimpapawid noong Ika-21 ng Agosto
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Mira ng Lunsod ng Kalookan, sana raw audio-video iyong programa naming Cooking Show para raw nakikita nila iyong mga mukha ng guest cooks at napapanood nila kung paano niluluto iyong Chinese recipe na idinedemo ng mga panauhin.
Matagal na naming pinag-aaralan iyan, Mira. Huwag kang mag-alala. Malapit-lapit na tayo diyan. Huwag ka lang mainip.
The late Michael Jackson sa kanyang walang-kupas na awiting "One Day in Your Life," na hango sa album na may pamagat na "The Best of Artists and Groups."
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Dating gawi. Mga SMS.
Sabi ni Delia ng Pagsanjan, Laguna: "Kuya Mhon, you are a billionaire. Mayaman ka sa pagmamahal sa kapuwa at sa wisdom. Dama naming mga tagapakinig iyan."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Pare, kumpara sa ibang SW stations, ang sa inyong SMS at emails ay ang pinakamakabuluhan sa lahat. Ang sa iba ay puro wordplay lang."
Sabi naman ni Winston ng BF Homes Paranaque: "Ka Ramon, ipinagmamalaki namin lahat ng inyong mga announcers diyan, especially si Ate Vera na na-meet naming personally noong magpunta siya sa Pinas."
Maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
Iyan naman si Zhou Jielun sa isa sa mga pinasikat niyang awiting "You Heard It," na mula sa album na may pamagat na "Broken Bridge."
Sabi ni Mindy ng Malabon, Metro Manila: "Kuya Ramon, alam ko na patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa Gansu, sa mga biktima ng landslides. Nakikiramay ako sa lahat ng mga biktimang ito."
Sabi naman ni Tess ng Guadalupe, Makati City: "Huwag kang mag-alala, Kuya Mhon, lagi akong nakatutok sa inyong website at programa sa radyo. Hindi ko pinababayaan ang mga programa mong Cooking Show, Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika. Ikaw pa, pababayaan ko?"
Sabi naman ni Tess ng Sta. Mesa, Manila: "Kuya Mhon, ipinahahabol ko ang aking mensahe ng pakikiramay sa lahat ng mga biktima ng landslides sa Gansu Province. May the peace of the Lord be with them."
Many, many thanks sa inyong mga text messages.
Mula sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?" iyan ang awiting "Wish Upon a Falling Star" ni Jacky Cheung.
Ituloy pa natin ang pagbasa ng mga SMS.
Sabi ni Melvin ng Kowloon, Hong Kong: "Kuya Ramon, may kasulatan akong DXers sa ibang bansa. They all look up to you. Malaki ang respect nila sa iyo bilang broadcaster. I hope you stay as you are, kuya."
Sabi naman ni Sza Sza ng West Coast Way, Singapore: "Sana ibalik mo, Kuya Ramon, ang iyong balitang artista sa Gabi ng Musika. Naalala ko na meron kang chika-chika noong araw sa iyong programa at ikinukuwento ng reporter ang mga gimik ni ganito at ganung artista. Interesting, di ba?"
Sabi naman ni Lyn Lyn ng Tacloban City, Leyte: "Kuya RJ, stick to one lang ako. Gabi ng Musika lang. Iba ka sa lahat, Kuya RJ. Hindi ka puwedeng ipagpalit sa iba. Wala silang say. Wala silang K. Ikaw meron."
Thank you so much.
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Jay Chou sa awiting "Blue Windstone," na hango sa album na pinamagatang "November's Chopin 11.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |